May gamot ba sa madalas na pag-ihi?

Q: doc ano po ba gamot sa pag ihi,,, kpag kc naiihi ako ang konti lng at maya-maya kaya napupyat ak sa gabi kc maya-maya at ang konti lng ng ihi,,
malakas nman ako uminom ng tubig.

A: Maraming pwedeng dahilan ang maya’t-mayang pag-ihi o ‘urinary frequency’. Ang pag-ihi ng madalas ay maaaring isang sintomas ng mga sumusunod:

    • UTI, o impeksyon sa pantog o sa lagusan ng ihi. Sa ganitong karamdaman, maaaring may kasamang kirot ang pag-ihi.
    • May diabetes ba sa lahi ninyo? Ang simula ng diabetes ay may sintomas na maya’t mayang pag-ihi lalo na sa gabi. Kung parati karing uhaw, inom ng inom ng tubig at namamayat, isa ito sa mga posibilidad.
    • Kung ikaw ay lalaking nasa edad 40 pataas, isa ring maaaring sanhi ng maya’t mayang pag-ihi ang sakit sa prostata.
    • Bukod sa mga ito, marami pang ibang kondisyon na pwedeng magdulot ng maya’t mayang pag-ihi.

Dahil marami ngang posibleng dahilan, mas maganda kung magpatingin ka sa doktor upang ma-examine ka. Baka magpatawa rin sya ng urinalysis o pagsusuri sa ihi, at iba pang laboratorio, upang matuklasan kung ano ang sanhi nito, at makapag-reseta na angkop na gamot.