Q: Ask ko lang po kasi po ilang days na po masakit pa rin po ang puwerta ko tapos po may lumalabas n white mens na mabaho po … since nung nagtalik kame ng asawa ko ano po ba yun doc? Posible din po ba na buntis ako? Sumasakit din po balakang ko pati pag ihi po.
A: Pananakit sa puwerta at balakang, pagkirot sa pag-ihi, at paglabas ng kulay puti galing sa puwerta – ang mga ito ay maaaring mga sintomas ng impeksyon sa pwerta na pwedeng fungal (sanhi ng fungi) o bacterial (sanhi ng bacteria). Iba’t iba rin ang sanhi ng mga ito; isa sa posibilidad ay nahawa ka ng asawa mo (i.e. sexually-transmitted disease) ngunit hindi lamang ito ay pwedeng paliwanag.
Posible bang buntis ka? Hindi ito imposible, ngunit kung wala ka namang ibang sintomas ng pagbubuntis – at ang pinakamahalaga dito ay ang pagtigil ng pagreregla, malamang hindi ito ang ekplanasyon sa iyong mga sintonmas. Dahil posibleng lumala ang impeksyon sa pwerta, ang payo ko sayo ang magpatingin na sa doktor – general practitioner, family physician o internist – upang masuri kung ano ba ang iyong kalalagayan at ano ba talaga ang sanhi ng iyong mga sintomas.