May mga vitamins ba na pangpataba?

Q: May mga vitamins ba na pangpataba? Anong mga vitamins ang pwedeng pagpataba o pampaganang kumain?

A: Hindi gaanong kalinaw ang ebidensya na sumusuporta sa mga bitimina bilang isang paraan ng pagpapataba, subalit may mga nagsasabi ng pag-inom ng mga vitamins at minerals gaya ng Vitamin D, Vitamin B (Thiamine), Zinc, Creatine ay nakakatulong sa pagkakaron ng timbang. May mga pag-aaral din na ang Vitamin C at E ay may benepisyo rin. Dahil maraming iba’t ibang bitamina na sinasabing may benepisyo, maraming mga taong umiinom na lang mga mga multivitamins para ang lahat na ito ay kasama na. Isa pang mahalagang idiin ay ang marami sa bitaminang ito ay natatagpuan rin sa malulusog na pagkain, gaya ng mga prutas at gulay.

Ang pagkain ng protina, gaya ng mga karne at isda, at regular na pageehersisyo, ay mga stratehiya na may ebindesya patungo sa pagpapataba.

Kamusta ang schedule na iyong pagkain? Ang mga ugali gaya ng hindi pagkain ng almusal o umagahan, o kaya hindi regular na pagkain, ay maaaring isa sa mga dahilan kung bakit hindi lumalaki ang iyong katawan.