May pag-asa pa bang tumangkad ang 17-yr. old na babae?

Q: may pag asa pa po ba akong tumangkad 17 years old na po ako ? anu po bang mabisa pampatangkad para sa akin ?

A: Ang pagtangkad na nararanasan ng mga nagdadalaga (growth spurt) ay karaniwang nagtatapos sa edad 15-17 sa mga kababaihan. Bagamat may ilang mga kababaihang tumatangkad pa pagkatapos ng mga edad na ito, bahagya na lamang ito, at malamang, kung anong tangkad mo ngayon ay siya nang magiging tangkad mo bilang isang matanda.

May mga produktong sinasabing “pampatangkad” ngunit sa totoo, sa ngayon, walang anumang gamot o produktong napatunayan na talagang nakakapagpatangkad, at sa iyong edad, malamang ay wala nang magagawa ang mga ito. Ang tangkad ng isang babae ay naka-base sa iba’t ibang mga bagay gaya ng tangkad ng iyong mga magulang.

Ang average na tangkad ng mga kababaihang Pinay ay nasa 5’2 lamang ayon sa isang survey. Marahil ito’y nagbago na, subalit totoo parin na hindi talaga matangkad ang mga Pinoy kung ikokompara sa ibang mga lahi. Nawa ito’y hindi maging sanhi ng pagkabalisa o pagiging hindi kontento sapagkat hindi naman talaga mahalaga ang katangkaran sa totoong buhay.