Ang katawan ng tao ay isang mahiwagang makina na binubuo ng iba’t ibang bahagi na may mahahalagang papel na ginagampanan upang manatiling buhay ang isang tao. Bawat bahagi ng katawan ay may kontribyusyon sa kabuuang paggana. Ngunit para gumana nang maayos ang mga bahaging ito, kinakailangan ang suporta ng mahahalagang sustansya mula sa mga pagkaing kinakain.
Isa sa mga mahahalagang sustansya na kinakailangan ng katawan ay ang mga substansyang organiko na kung tawagin ay bitamina. Mayroong 13 na uri ng bitamina na kinakailangan ang katawan at bawat isa dito ay may mahalagang papel na ginagamapanan sa pagpapabuti ng paggana ng katawan.
Image Source: www.wellandgood.com
1. Vitamin A
Ang vitamin A, na kilala rin bilang retinol, ay mahalagang bitamina na tumutulong sa pagpapalinaw ng mata, at iba pa. Nakukuha ito mula sa mga pagkain gaya ng atay, at mga prutas at gulay na kulay dilaw. Basahin ang kabuuang detalye ng Vitamin A sa sumusunod na link: Vitamin A.
2. B Vitamins
Tumutulong ang Vitamin B sa pagpoproseso ng mga pagkaing kinain upang ito ay mapakinabangan ng katawan bilang enerhiya. Ang Vitamin B ay nahahati pa sa ilang uri ng bitamina na may mga ispesipikong papel na ginagampanan.
- Vitamin B1. Kilala rin bilang thiamine, basahin ang buong detalye ng bitamina sa sumusunod na link: Vitamin B1.
- Vitamin B2. Kilala rin bilang riboflavin, basahin ang buong detalye ng bitamina sa sumusunod na link: Vitamin B2.
- Vitamin B3. Kilala rin bilang niacin, basahin ang buong detalye ng bitamina sa sumusunod na link: Vitamin B3.
- Vitamin B5. Kilala rin bilang pantothenic acid, basahin ang buong detalye ng bitamin sa sumusunod na link: Vitamin B5.
- Vitamin B6. Kilala rin bilang pyridoxine, basahin ang buong detalye ng bitamina sa sumusunod na link: Vitamin B6.
- Vitamin B7. Kilala rin bilang biotin, basahin ang buong detalye ng bitamina sa sumusunod na link: Vitamin B7.
- Vitamin B9. Kilala rin bilang folate, basahin ang buong detalye ng bitamina sa sumusunod na link: Vitamin B9.
- Vitamin B12. Kilala rin bilang cobalamin, basahin ang buong detalye ng bitamina sa sumusunod na link: Vitamin B12.
3. Vitamin C
Ang vitamin c, na kilala rin bilang ascorbic acid, ay tumutulong sa paghilom ng sugat, pagpapaganda ng kutis, at pakikipaglaban sa mga free radicals sa katawan. Karaniwan itong nakikita sa maraming uri ng prutas at gulay. Basahin ang kabuuang detalye ng bitamina sa sumusunod na link: Vitamin C.
4. Vitamin D
Vitamin D, tinatawag din na Cholecalciferol o Ergocalciferol, ay responsable naman sa pagsasaayos ng pagsipsip ng mahahalagang mineral papasok sa mga buto. Ito’y kilala ng mga tao bilang bitamina na nakukuha mula sa sinag ng araw, bagaman walang katotohanan ang paniniwalang ito. Basahin ang kabuuang detalye ng bitamina sa sumusunod na link: Vitamin D.
5. Vitamin E
Ang vitamin E, o tocopherol, ay nagbibigay proteksyon sa mga cells ng katawan at nilalabanan din ang mga nakakasamang free radicals. Nakukuha naman ito sa maraming uri ng gulay at mga mani. Basahin ang kabuuang detalye ng bitamina sa sumusunod na link: Vitamin E.
6. Vitamin K
Ang Vitamin K, kilala rin bilang phylloquinone at menaquinone. Responsable ito sa kalusugan ng dugo ng tao. Nakukuha sa mga pagkaing berde at madahong gulay, atay, at itlog. Basahin ang kabuuang detalye ng bitamina sa sumusunod na link: Vitamin K.