Mga dapat gawin kung mapag-alamang nais magpakamatay ng mahal sa buhay

Ang pagpapakamatay ng mahal sa buhay ay kadalasang resulta ng matinding depresyon na bunga naman ng problema at kawalan ng pag-asa sa buhay. Laging tatandaan na ang pagpapakamatay ay hindi isang sakit bagkus bunga ng mga karamdaman sa pag-iisip na maaaring magamot.

Kung makahanap ng taong makakausap at makakaramay, at maibabalik ang dating sigla at muling maipaparamdam ang kahalagahan ng buhay, malaki ang posibilidad na hindi na matuloy ang pinaplanong pagpapakamatay.

Ang mga sumusunod na hakbang ay maaaring gawin sa oras na makitaan ng mga senyales ng pagnanais magpakamatay ang inyong mahal sa buhay. Basahin ang mga senyales na maaaring may kaugnayan sa pagnanais na magpakamatay: Senyales ng pagpapakamatay na dapat bantayan.

  • Kausapin at huwag matakot na tanungin kung ano ang dahilan ng kalungkutan.
  • Ipaalam sa kanya na ang sakit na depresyon at pansamantala lamang at maaaring magamot.
  • Iparamdam sa kanya na mayroong mga taong may pagpapahalaga sa kanya at nagmamahal sa kanya.
  • Ipaalam din na may mga ekspertong handang tumulong para pagaanin ang dinadalang problema.

Kung tiyak at masyadong mataas ang pagnanais na ituloy ang pagpapakamatay, dapat namang gawin ang mga sumusunod na hakbang.

  • Samahan, at hangga’t maaari, huwag siyang hayaang mapag-isa.
  • Hingiin ang tulong ng kaniyang mga malalapit na kaibigan at kapamilya.
  • Ilayo ang lahat ng mga bagay na maaaring makasakit sa kaniya. Itago ang mga matatalim na bagay at lahat ng uri ng armas.
  • Dumulog sa isang psychiatrist o therapist na makatutulong sa kaniyang kondisyon.
  • Panatilin siyang kalmado sa lahat ng oras.