Mga Dapat Tandaan Kung Magpapa-confine sa Ospital

  1. Una, alamin muna kung talaga bang dapat i-confine ang pasyente. Makipag-ugnayan sa doktor na regular na tumitingin sa pasyente. Kung ang karamdaman ay isang· “emergency”, dumeretso na sa Emergency Room.
  2. Sa bawat pagpapa-confine, kailangang may nakahandang gamit, tao, at pondo. Itanong at sagutin ang mga sumusunod:
    • Saan kukuhanin ang pera na ibabayad sa ospital? Siguraduhing may nakahandang pera.
    • May PhilHealth ba o insurance na ang pasyente? Ihanda ang mga papeles at mga PhilHealth Card at iba pa.
    • Sino ang tatao sa pasyente? Sa mga public hospital gaya ng PGH kailangan may dalawang tao na naka-abang sa ospital dahil ang paglalakad ng pagbili ng gamot, kagamitan, at laboratoryo ay naka-atas sa mga bantay o kasama ng mga pasyente. Sa pagpili ng tatao sa pasyente, mahalagang:
      • Isa sa mga tatao sa pasyente ay dapat may kakayahang magdesisyon ukol sa mga gagawin sa pasyente
      • Isa sa tatao ay dapat nakakaalam sa pondo o perang gagamitin para sa pasyente
      • Ang tatao ay dapat maaaring makasagot sa mga detalyeng tungkol sa pagkasakit ng pasyente.
    • May mga taong bang maaaring mag-donate ng dugo kung kailangan? Itong tanong na ito ay mahalaga sa mga manganganak at mga pasyenteng malamang na ma-operahan.
  3. Pag-isipin kung sa public o private hospital dadalhin ang pasyente. May mga ibang public hospital gaya ng PGH na may “Private” na wards at mayroon ring “Charity”. Pag-isipin kung saan dadalhin ang pasyente.
  4. Kung sa Charity Ward ng isang Public Hospital dadalhin, heto ang mga konsiderasyon:
    • Maaari bang dalhin ang pasyente sa ospital na iniisip? May mga ospital gaya ng Ospital na Makati na ang prioridad ay mga mamamayan ng Makati.
    • Ang ospital ba ay malapit sa tahanan ng pasyente at mga taong magbabantay sa pasyente?
    • May bakante bang kama sa ospital na iniisip? Mabutihing i-tawag muna sa telepono kung may bakante bago tumawag. Higit na mabuti kung isang doktor mula sa clinic ang siyang makikipag-coordinate sa pagpapa-admit ng pasyente.
    • Handa ba ang pasyente at ang pamilya na sa public hospital dadalhin? Bagamat libre, mas mahaba ang pila sa karamihang mga public hospital at kinakailangan talaga ng kooperasyon ng mga bantay na maaaring magsilbing taga-bili ng gamot at iba pang gamit, taga-hatid ng mga laboratory samples, taga-pila sa Social Services, at iba pa.
    • Sa mga pampublikong ospital, ang pasyente ay karaniwang kino-confine sa ward na pangmaramihan ang mga tao. Kalimitan, walang lugar para sa bantay, at mga ito ay natutulog sa sahig o kaya sa isang siksikang “Bahay Antayan”.
    • Alamin kung ang ospital ang accredited ng PhilHealth.
  5. Kung Private Hospital (Pribadong Ospital) o sa Private Service ng isang Public Hospital dadalhin, heto ang mga konsidersyon:
    • Maaari bang mag-admit o magdala ng pasyente ang doktor ng inyong pasyente sa ospital na inyong iniisip?
    • Maaari bang magamit ang PhilHealth at iba pang health insurance sa ospital na iniisip?
    • May bakante bang kwarto?
    • Magkano ang mga kwarto sa ospital? Tandaan na ang Professional Fee na ibabayad sa doktor ay karaniwang katumbas rin sa araw-araw na bayad sa kwarto. Iba’t ibang ang uri ng kwarto sa private na ospital
      • Suite – isang uri ng ‘Private Room’ na may malawak, kalimitan may TB, ref, toilet, at iba pang mga bagay na karaniwang nakikita sa isang hotel.
      • Private Room – may sariling kwarto ang pasyente, kalimitan may sariling toilet o CR, TV, mga siid, etc.
      • Semi-Private Room – may kahating isa hanggang tatlong pasyente sa isang kwarto.
      • Private Ward – Pangmaramihan ang ward (5 pataas), ngunit ito ang pinaka-mura sa mga private na kwarto.
    • May deposit ba na kailangan para magpak-confine? Kasi kung ang pera mo ay parating pa lamang mula abroad o nasa bangko pa, maaaring hindi tanggapin ang pasyente. Tandaan na ang “deposit” na hinihinging ito ay hindi d
  6. Alamin ang Oras ng Dalaw (Visiting Hours) at iba pang mga patakaran ng ospital.
  7. Tandaan ng bawat pasyente ay may karapatan! Tunghayan ang Mga Karapatan ng Bawat Pasyente sa Pilipinas para malaman ang mga ito.
  8. Kung mukhang macoconfine ng matagal ang pasyente, pag-isipan kung baka kailangang lumapit sa iba’t ibang tanggapan
    • Sa Philippine Charity Sweepstakes Office
    • Sa mayor o congressman ng inyong bayan
    • Sa iba pang mga tanggapan gaya ng ABS-CBN Foundation, GMA Kapuso Foundation, at marami pang iba
  9. Kung ang kaso ng pasyente ay mukhang “terminal” na o malaki na probabilidad na ang pasyente ay mamatay na, mahalagang malaman kung ano ang mga kagustuhan ng pasyente ukol sa mga ito:
    • Nais pa ba niyang kabitan ng “Mechanical Ventilator” at pasukan ng tubo sa baga kung sakaling hindi na niya kayang huminga ng mag-isa?
    • Nais pa ba niyang gawin ang “Cardiopulmonary Resusictation” kung tumigil ang paghinga o tumigil ang pagtibok ng puso?
  10. Bago umuwi ang pasyente mula sa ospital, siguraduhing nasagot na ang lahat ng katungan.
    • May mga bawal bang pagkain?
    • May mga gamot ba na dapat inumin?
    • Kailan pwdeng bumalik sa iskwelahan o trabaho ang pasyente?
    • May rehabilitation o physical therapy ba na dapat gawin?
    • Kailan ang susunod na check-up?

Humingi ng kopya ng mahahalagang medical records kung kailangan. Maari ring humingi ng Medical Certififcate para ma-excuse ang pagiging absent ng pasyente sa trabaho o iskwela.