Q: tanong lang po.. nung 1st week of july nakainom po ako ng gamot like cefalexin and mefenamic hindi ko po alam na magdadalawang buwan na pala akong buntis.. maaari po bang makasama sa bata yun? ngayon mag apat na buwan na kong buntis?
A: Ang pagbubuntis ay isang panahon kung kailan dapat tayong maging maingat sa pagbibigay na anumang gamot, kaya ang payo ko ay huwag uminom ng anumang gamot ng hindi pinapayuhan ng doktor.
A: Para sa mga buntis, ang mga gamot natin ay may mga kategorya ayon sa antas ng posibleng panganib na maidulot ng mga gamot na ito sa iyo at sa iyong baby. Ang Cefalexin ay Category B, ibig-sabihin, batay sa mga pag-aaral na ginawa sa ga hayop, walang ebidensya na ito’y maaaring makasama sa iyong baby. Ang Mefenamic Acid naman ay Category C, ibig-sabihin, may posibilidad na ito’y makasama sa iyong baby, ngunit huwag kang mag-alala dahil ang panganib na ito ay sa ikatlong semestre pa ng pagbubuntis – o sa ika-7 hanggang ika-9 na buwan. Gayunpaman, itigil na lang muna ang mga gamot na ito at magpatingin sa doktor o OB-GYN para maresetahan ng mga gamot na angkop, kung kailangan.
Para sa iyong kaalaman, eto ang listahan ng gamot na huwag na huwag iinumin kapag buntis:
Image Source: www.freepik.com
- Mga pills o OCPs
- Mga pampababa ng kolesterol gaya ng Simvastatin at iba pang mga ‘-statin’
- Mga gamot sa kanser gaya ng Methotrexate
- Mga antibiotics gaya ng Chloramphenicol, Doxcycline at iba pang mga ‘-cycline’
- Mga gamot laban sa TB o ‘vitamins sa baga’ gaya ng Isoniazid
- Mga gamot sa high blood gaya ng Captopril at iba pang mga ‘-pril’
- Mga gamot sa ‘seizures’ o kombulsyon gaya ng Valproic Acid, Carbamazepine
- Mga gamot sa utak gaya ng ‘Lithim’
- Mga gamot sa matinding kirot gaya ng Morphine
- Mga gamot sa goiter o anumang problema sa thyroid, gaya ng Iodine
- Vitamin A
- Alak at sigarilyo
- Warfarin
Dapat ring iwasan ang mga gamot sa kirot, sakit ng ulo gaya ng Mefenamic Acid, Ibuprofen, at Aspirin.
Mga gamot na itinuturing na ‘ligtas’ kapag buntis, ngunit dapat paring ikonsulta sa iyong doktor:
- Mga antibiotics gaya ng Amoxicillin, Clindamycin, Erythromycin
- Paracetamol
- Insulin, sa mga may diabetes