Minsan, hindi maiiwasan ang pasulpot-sulpot na pimple sa ating mukha. Normal lamang ito. May ilang mga payo upang maiwasan ang pagkakaroon o paglala ng mga pimples.
- Itali ang buhok. Iwasan ang paglugay ng buhok na maaring may kemikal (gel, mousse, pomade) at alikabok.
- Iwasan ang paglagay ng make up hanggat maaari o gumamit lamang ng non-comedogenic o make up na aprubado ng dermatologist.
- Huwag ugaliin ang pangangalumbaba o ang pagdiin ng kahit anong bagay o parte ng katawan sa mukha.
- Gumamit lamang ng “mild soap” o sabon na minimal lamang ang nakakairitang kemikal na sangkap.
- Huwag kutkutin o putukin ang mga pimples dahil maari itong magpeklat o maging sanhi ng impeksyon.
- Komunsulta sa doktor bago gumamit ng mga gamot sa balat dahil may ilang over-the-counter products na maaring makasama sa inyong balat kung mali ang pagkakagamit. At dahil mikrobyo ang P. acne, maaring mangailangan itong gamutin ng antibiotiko ngunit kailangang sundin lamang ang payo ng doktor upang hindi magkaroon ng “antibiotic resistance”.
- Kumain ng mga masusustansyang pagkain lalo na mga prutas at gulay na sagana sa Vitamin C.
- Itigil ang paninigarilyo.
- Iwasan ang stress.