Mga gawaing makakasama sa kalusugan ng utak

Ang lahat ng gawain na kinakaharap ng tao sa araw-araw ay direktang nakakaapekto sa ating kalusugan. Bawat gawain ay maaaring may epektong nakabubuti o nakakasama. Halimbawa, ang sobra at kawalan ng kontrol sa pagkain ay maaaring humantong sa karagadagang timbang; ang regular na pag-eehersisyo naman ay makatutulong sa pagkakaroon ng mas magandang hubog ng katawan; habang ang madalas na pag-inom ng alak at paninigarilyo ay maaaring magdulot naman ng malubhang sakit.

Bagaman kitang-kita sa pisikal o panlabas na anyo ang epekto ng mga gawaing ito, madalas ay nakakaligtaan natin na apektado rin sa mga pang-araw-araw na gawain ang kalusugan ng utak. Ang sumusunod ay ang listahan ng ilan sa mga karaniwang gawain na hindi natin namamalayan na nakakasama na pala sa kalusugan ng utak.

1. Sobrang pag-inom ng alak

Image Source: www.dietdoctor.com

Matagal nang alam ng marami ang masamang epekto ng sobrang pag-inom ng alak sa ilang bahagi ng katawan, particular sa atay, sikmura at sa puso. Ngunit bukod dito, naapektohan din ng alak ang kalusugan ng utak sa pamamagitan ng pag-harang sa ilang sustanysa na kinakailangan ng utak. Makikitaan kasi ng kakulangan sa Vitamin B1 (thiamine) at mineral na Magnesium na parehong mahalagang sustansya para sa utak ang mga taong sobra kung uminom ng alak. Alamin ang iba’t ibang sakit na makukuha sa sobrang pag-inom ng alak: Mga sakit na makukuha sa alak.

2. Paggamit ng mga ipinagbabawal na droga

Image Source: www.recoveryspeakers.com

Mariing ipinagbabawal ng mga alagad ng medisina ang pag-iwas sa mga ipinagbabawal na droga. Ito’y sapagkat direktang naapektohan ng mga gamot ang maayos na paggana ng utak. Maaari pa itong humantong sa adiksyon at lebel ng mga kemikal sa utak, at permanenteng mabago ang ugali, at takbo ng pag-iisip ng isang tao.

3. Kawalan ng balanseng pagkain

Image Source: e-news.us

Upang gumana ng husto, kinakailangan ng buong katawan ang sustansya mula sa mga pagkaing kinakain. Ngunit kung ang pagkain sa araw-araw puro sitsirya at mga pagkaing fast food na kulang sa nutrisyon na kailangan ng katawan, tiyak na may masamang epekto ito hindi lamang sa utak kundi pati na rin iba pang parte ng katawan.

4. Pag-iwas sa pagbabasa

Image Source: www.needpix.com

Lumalabas sa isang pag-aaral sa France na kung hindi gagamitin ang utak sa pagbabasa at pagdaragdag ng kaalaman, mas tumataas nang 18% ang posibilidad ng pagkakaroon ng dementia o pagpurol ng utak. Laging tatandaan na ang pagbabasa ay nakatutulong na paganahin ang iba’t ibang bahagi ng utak na kinakailangan naman talaga upang manatili itong malusog.

5. Kakulangan ng tulog

Image Source: nypost.com

Ang kakulangan ng tulog o “sleep depriviation” ay may masamang epekto rin sa kalusugan ng utak. Mas bumabagal ang paggana nito at nababawasan ang pagiging alerto at abilidad na makaisip nang mas malalim. Ang pagiging malikhain o creativity ng isang tao nawawala rin kung kulang ang tulog, ayon sa isang pag-aaral. Basahin ang iba pang masasamang epekto ng kakulangan sa tulog: Masasamang epekto ng kulang sa tulog.

6. Pag-iwas sa pakikisalamuha sa ibang tao

Image Source: 95percent.co

Ang utak ay talagang naka-disenyo para makisalamuha sa ibang tao. Ang pakikipagpalitan ng ideya ang isang mahusay na paraan ng pag-hasa sa abilidad ng utak. Ayon sa isang pag-aaral, ang taong walang social life mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng sakit sa pag-iisip at makaranas ng depresyion.