“Mas mabilis mawala ang tigyawat kapag ito ay tiniris.”
Image Source: www.safeguard.ph
Hindi nakakatulong ang pagtiris upang mapabilis ang pagkawala ng tigyawat. Kadalasan, nagiging sanhi pa ito ng pagpepeklat ng mukha at kapag madumi ang kamay, maaari rin itong makapagdulot ng impeksyon na pwedeng magpalala pa sa ating balat.
“Ang mga make-up, pulbos at iba pang pampaganda ay nakakatagyawat.”
Image Source: unsplash.com
Marami nang mga produkto para sa mukha ngayon na ligtas ng gamitin na hindi nakakadulot ng tagyawat, bagamat may iilan pa din na maaaring makadulot nito. Kaya para mas makasiguro sa bibilhing produkto, hanapin lamang yung mayroong nakatatak na “water-based, “non-acnegenic” o “non-comedogenic” sa kanilang mga pakete.
“Nakakatulong ang pagbilad sa araw upang mawala ang tigyawat.”
Image Source: unsplash.com
Pansamantalang nanunuyo ang mukha natin kapag nakabilad sa araw kaya maaaring magbigay ito ng pansamantalang lunas sa tagyawat ngunit sa kalaunan, naiirita rin ang ating balat kaya nagiging sanhi pa ito ng pagdami ng tagyawat. Kapag nabilad ang mukha natin sa araw, mas nagiging sensitibo din ang balat kaya pinapayo na iwasan ang masyadong pagbababad dito.
“Ang paninigarilyo ay nakakalala ng tagyawat.”
Image Source: unsplash.com
Nakita sa mga pag-aaral ng mga eksperto na hindi nakakaapekto ang paninigarilyo sa pagkakaroon ng tagyawat at paglala nito, bagamat may mga pag-aaral na nagsasabing nagdudulot ito ng panunuyo ng balat sa mukha.