Mga Hakbang Para Makaiwas sa Pagkapaso ng Bata

Ang paso burns ay hindi lamang sa apoy, o sa maiinit na bagay. Maaari ring makapaso ng balat ang araw o ang mga matatapang na kemikal. Mas madaling mapaso ang mga bata dahil manipis ang kanilang mga balat at mabagal silang makadama ng pagkapaso kumpara sa mga matatanda. Ang mga mabata rin ay malilikot at mahilig mag imbistiga ng mga bagay na paligid nila kaya madalas silang maaksidente.

Image Source: unsplash.com

Turuan ang mga bata ng tungkol sa apoy at hindi paglalaro nito:

  • Kadalasan nagtatago ang mga bata habang naglalaro ng apoy
  • Turuan sila na ito ay nakakasakit, pwedeng maging sanhi upang sila ay masaktan o mamatay.
  • Turuan sila na mabilis kumalat ang apoy at ang usok nito ay nakakamatay rin sapagkat maaaring hindi sila makahinga.
  • Kung may sunog turuan ang bata na takpan ng basang tela o towel ang kanilang ilong at bibig.
  • Turuan din silang gumapang upang hindi malanghap ang sunog.
  • Huwag hawakan ang door knob kung may sunog kundi ang pinto. Tingnan kung ito ay mainit o hindi.
  • Habang lumalabas sa nasusunog na bahay. Huwag tumigil upang kumuha ng mahahalagang bagay, alaga, o iligtas ang iba pang kamag anak.
  • Kung nasusunog na ang damit tumigil, humiga sa sahig at umikot ikot para mapatay ang apoy.

Tunghayan ang mga hakbang upang makaiwas sa pagkapaso ng mga bata, ayon sa kanilang edad:

Bagong silang hanggang 1 taon (Newborn to 1 year old)

  • Huwag humawak o magdala ng mga maiinit na inumin o sabaw habang may hawak na bata.
  • Tuwing magpapaligo ng bata, siguraduhing hindi masyadong maiit ang tubig. Tingnan ang init ng tubig sa pamamagitan ng inyong kamay. Kung ito ay mejo mainit lamang, maaaring ito ay napaka init na sa bata.
  • Ilayo sa kanila ang mga maiinit na bagay gaya ng plantsa, sigarilyo at pati kurdon ng mga appliances.
  • Ilayo ang mga panglinis sa bahay gaya ng muriatic acid o Clorox o mga kemikal gaya ng gaas o kerosene.

Mula 1 hanggang 3 taon (1 to 3 years old)

  • Siguraduhing hindi nila maabot, o masundot at may takip ang mga saksakan.
  • Huwag gamitin ang mga kasangkapang sira ang kuron, ito ay ayusin.
  • Huwag iwanang naliligo magisa ang bata, o magisa sa kusina.
  • Ilayo ang mga posporo at lighter.

Mula 3 hanggang 5 taon (3 to 5 years old)

  • Maaari ng turuan ang bata tungkol sa apoy at mga delikadong bagay.
  • Turuan sila na ang posporo, lighter at mga saksakan ay hindi mga laruan.
  • Tuwing sila ay maglalakad sa ilalam ng araw o mabibilad, siguraduhing may payong o saklob ang bata.
  • Ilayo ang mga posporo at lighter.·
  • Huwag· iwanang naliligo magisa ang bata, o magisa sa kusina.

Mula 5 hanggang 12 taon (5 to 12 years old)

  • Ilayo ang mga posporo at lighter.
  • Tuwing sila ay maglalakad sa ilalam ng araw o mabibilad, siguraduhing may payong o saklob ang bata.
  • Turuan ng tamang pag gamit ng mga kasangkapan sa kusina.
  • Huwag iwanang naliligo magisa ang bata, o magisa sa kusina.

Mayroon ring mga espesyal na paraan upang makaiwas sa paso mula sa mga paputok. Tunghayan ang artikulong“Maging Ligtas sa Paputok” upang aralin ang mga ito.