Ang pinakamagandang paraan ng paglaban sa sunog ay ang pagtiyak na hindi takaw aksidente ang ating bahay at mga kasangkapan. Inspeksyonin ang lahat ng mga appliances sa bahay at itanong:
- Ang mga kasangkapan ba ay nasa maganda pang kundisyon? At hindi sira ang mga kable? Walang ngat-ngat ng anumang hayop o sira?
- Masyado bang madami ang nakasaksak na kasangkapan sa mga saksakan ng kuryente? TV? Radyo? Ref?
- Masyado bang puno ang saksakan sa extension cord?
- Tingnan kung mayroong mga faulty wiring o maling pagkakakabit ng mga kurdon o mga linya ng kuryente sa bahay. Kung mayroon siguraduhing ipaayos ito sa isang electrician.
- Kung mayroong mga sira sa kasangkapan, palitan o ipaayos ang mga ito.
- Huwag maglagay ng mga kuron sa ilalim ng basahan.
Siguraduhing hindi naaabot ng mga kasangkapan ang kurtina, bedsheet, o kumot, lalo na ng electric fan para maiwasan ang aksidente. Ilayo rin ang mga dyaryo, magasin, o mga bagay na madaling masunog sa mga appliances. Huwag hayaan na gumamit ng mga kasangkapang panluto ang mga bata ng magisa. Gabayan sila kung sila ay gagamit nito. Takpan ang mga saksakan para maiwasan ang pagsundot nito nga mga batang naglalaro at para hind sila makuryente.
Mag ingat sa kusina, madalas ditong magsimula ang sunog.
- Huwag iwan ang niluluto na pagkain
- Linisin ang mga mantika na natapon
- Ilayo sa stove ang mga papel o mga tla na pwedeng masunog
- Tuwing nagluluto, ang hawakan ng mga kaserola, o kawali ay ilagay paloob o palayo sa nagluluto [para maiwasan ang pagkasagi ng niluluto at matapon ito
Mag-ingat sa paninigarilyo: siguraduhing patay na ang apoy ng sigarilyo bago ito itaponHuwag hayaang maglaro ng posporo o lighter ang mga bata.
Ilayo ang mga posporo at lighter sa mga bata pati na rin ang mga madaling masunog na bagay gaya ng alcohol, gaas, o kerosene.
Mag-ingat sa pag-gamit ng kandila.
- Ilayo sila sa mga bata o sa mga alaga sa bahay at siguraduhing napatay ng maayos.·
- Siguraduhin din na matibay ang lalagyan ng mga kandila para hindi matumba
Pag aralan ang inyong lugar kung saan pwedeng dumaan sakaling magkasunog.
- Inspeksyuning ang mga maaring nakaharang sa pinto o bintana sakaling magkasunog.
- Siguraduhing madaling mabuksan ang mga bintana