Ang balisawsaw ay isang salita na matagal nang ginagamit; maski ang mga diksyunaryo noong ika-16 na siglo ay nagbanggit nito. Ngunit wala itong eksaktong katumbas sa Ingles. Bagaman ang kondisyon na ito ay malapit sa terminong ‘dysuria’ (hirap na pag-ihi) at ‘urinary frequency’ (madalas na pag-ihi). Sinasabing ang balisawsaw ay ang kondisyon kung saan nakararamdam ng madalas na pagihi, kahit na minsan ay wala namang nailalabas, o kaya naman ay may pananakit sa pag-ihi.
Ano ang sanhi ng Balisawsaw?
Maaaring ang balisawsaw ay dulot ng pagbabago sa tubig at ‘electrolytes’ sa katawan, na siya namang dala ng kakulangan sa tubig, o pagkawala ng tubig sa pawis o init. Maaari ding ang balisawsaw ay dulot ng ibang sakit gaya ng impeksyon sa daluyan ng ihi o UTI.
Totoo bang maaaring magka-balisawsaw kung mauupo sa mainit na upuan?
Ang paniniwalang ito, bagaman walang siyentipikong pag-aaral ay maaaring may bahid ng katotoohanan. Dahil nga minsan ay konektado ang kawalan ng tubig ng katawan sa pagkakaroon ng balisawsaw, ang pag-upo sa mainit na upuan na maaaring makaapekto sa sirkulasyon ng tubig sa ibabang bahagi ng katawan ay makapagdudulot nga ng balisawsaw.