Mga kaalaman tungkol sa Chikungunya virus

Ano ang Chikungunya?

Ang Chikungunya ay isang sakit na dulot ng virus na taglay ng mga lamok. Ayon sa World Health Organisation (WHO), ito ay unang nadiskubre sa Tanzania, isang bansa sa Africa, noong 1952. Lagnat at pananakit ng kasukasuan ang pangunahing sintomas ng chikungunya, kasama ng sakit ng ulo at rashes, kaya maaari itong mapagkalamang dengue fever.

Paano nahahawa ng Chikungunya?

Image Source: www.britannica.com

Ang Chikungunya ay nakuhuha sa kagat ng lamok. Partikular, ang mga lamok na Aedes aegypti and Aedes albopictus ang siyang may dala ng sakit na ito. Ang Aedes aegypti ay maaari ding magdala ng dengue fever. Dahil ang mga lamok ay lumalaganap sa kasagsagan ng ulan, tumataas din ang risk na makakuha ng sakit na ito tuning tag-ulan, o kapag katatapos lang ng mga bagyo.

Anong mga lugar o bansa ang may Chikungunya?

Ang Chikungunya ay naitala sa maraming mga bansa sa Gitna, Timog, at Kanlurang Africa, at Timog Asya at Timog-Silangang Asya (Southeast Asia), kabilang na ang Pilipinas, Indonesia, Thailand, Vietnam, Malaysia. May ilang mga kaso na rin na nailata sa Estados Unidos at mga karatig-bansa.