Narito ang listahan ng mga ‘allergen’ o mga karaniwang sanhi ng allergy: mga pagkain, inumin, halaman, at iba pang bagay. Kung ito ay binabasa mo upang hanapin kung ano kaya ang sanhi ng iyong allergy, isiping mabuti ang bawat pagkain o bagay at itanong kung ang mga ito ba posibleng sanhi ng iyong allergy. Halimbawa, pwede mong itanong sa sarili mo kung anong mga kinain mo bago ka sinumpong sa iyong allergy. Kung ikaw ay kumain sa isang ‘seafood restaurant’, baka yun ang dahilan. Ang allergy mo ba ay nagsimula nung kayo ay nagkaron ng pusa sa bahay? Baka yun ang dahilan.
Tandaan rin na maraming iba pang bagay o pagkain na pwedeng maging sanhi ng allergy na hindi nakalista dito. Kung ang allergy mo ay hindi nawawala at gusto mong matukoy kung anong mga bagay ang sanhi ng iyong allergy, magpatingin sa isang allergologist, immunologist, o iba pang doktor upang ikaw ay magabayan.
Mga pagkain na karaniwang sanhi ng allergy
Tandaan: Maaaring ang mga nabanggit dito ay sangkap sa pagkain, at hindi yung mismong pagkain. Halimbawa, kung hinaluan ng patis ang isang sinigang, maaari parin itong maging sanhi ng allergy.
- Isda
- Patis
- Bagoong
- Talangka
- Hipon
- Tahong
- Iba pang mga ‘seafood’
- Gatas at mga produktong may gatas
- Itlog (eggs), kasama na dito ang penoy/balut
- Mani, kasuy, almonds etc. (nuts)
- Talong
Mga gamot na karaniwang sanhi ng allergy
Image Source: www.freepik.com
Tandaan: Mahalagang sabihin sa inyong doktor kung mayroon gayong karanasan ng pagkakaron ng allergy sa anumang gamot.
- Mga antibiotics gaya ng Penicillin, Amoxicillin, etc.
- Mga ‘sulfonamides’ gaya ng hydrochlorothiazide, furosemide, celecoxib, acetazolamide
- Mga ‘salicylates’ gaya ng aspirin
Mga hayop at halaman na karaniwang sanhi ng allergy
Tandaan: Kung may pusa sa bahay o kapit-bahay, hindi nito kailangang mahawakan upang magdulot ng allergy. Maski ang paglanghap lamang ng mga partikulo mula sa kanilang mga balahibo ay maaaring maging sanhi. Gayun din naman sa mga bulaklak at halaman.
- Balahibo ng pusa
- Balihibo ng iba pang hayop gaya ng aso, kabayo
- Ipis (cockroach)
- Mga surot (dust mites)
- Ilang klase ng puno at damo
- Bulaklak, at ‘pollen’ ng mga bulaklak
- Amag (molds)
Mga bagay na karaniwang sanhi ng allergy
Tandaan: Ang mga bagay na ito ay karaniwang nagdudulot ng allergy sa bahagi ng katawan kung saan ang bagay na ito ay dinidikit. Kung allergic ka sa pilak at may suot ka na kwintas, kalimitan, sa leeg ka magkakaron ng allergy.
- Goma (rubber latex) sa gwantes, condom atbp
- Bakal (pilak, tanso, etc.) sa alahas atbp