- Pagtatae (Diarrhea)
- Bronkitis (Bronchitis)
- Pulmonya (Pneumonia)
- Trangkaso (Influenza)
- Alta presyon o High blood (Hypertension)
- TB ng baga (Pulmonary Tuberculosis)
- Sakit sa puso (Diseases of the Heart)
- Malaria
- Tigdas (Measles)
- Bulutong (Chicken pox)
* Hango sa datos hte Department of Health (DOH) noong taong 2007
Isang mahalagang kaalaman ang mga pinaka-karaniwang sakit sa Pilipinas sapagkat kapag alam natin kung ano-ano ang mga sakit na ito, mas mapapagtuunang pansin natin sila, lalo na’t marami sa kanila ay “Preventable Diseases” o sakit na maaaring maiwasan.
Halimbawa, ang #9 and #10, tigdas at bulutong, ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagpapabakuna o vaccination. May bakuna rin laban sa trangkaso (#4) pero hindi ito garantisadong nakakapagbigay ng proteksyon laban sa trangkaso o influenza.
Ang altapresyon o high blood (#5) at sakit sa puso (#7) naman ay maaring maagapan sa pamamagitan ng wastong pagkain, masipag at regular ng pag-inom ng gamot, regular na follow-up, at pag-eensayo. Ang pagtatae (#1), bagamat numero uno sa listahan at napaka-karaniwan sa mga bata’t sanggol, ay maaari ring maagapan sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig at Oral Rehydration Salts (ORS) at maaagang pagkonsulta sa doktor.
Ang tuberculosis (#6) at malaria (#8) ay dalawang impeksyon na ma. Ngunit karamihan sa mga kaso ng TB ay kayang gamutin; at may mga gamot rin para sa malaria. Ang solusyon sa dalawang ito ay maaagang pagtuklas sa sakit (early detection) at pagiging masipag sa pagsunod sa gamutan.
Sa makatuwid, sa mga pangkaraniwang sakit sa Pilipinas… kailangan lang tayo’y magtulungan at patuloy na tuklasin at ibahagi ang mga importanteng kaalaman tungkol sa kalusugan.