Mga Karaniwang Sintomas ng Pagbubuntis

Ano ang mga ibang sintomas na nararamdaman ng nagbubuntis? Bukod sa mga nakalagay sa artikulong “Paano malaman kung buntis,” may mga ibang sintomas na dulot ng pagbubuntis na pinakanirereklamo ng mga nagdadalang-tao. Ating talakayin ang mga sumusunod:

Pagkahilo at pagsuska

Image Source: www.today.com

Sa unang tatlong buwan karaniwan itong nararamdaman ng buntis. Ito ang tinatawag na morning sickness sa ingles sapagakat mas karaniwang nangyayari ito sa umaga. Maari ito maiwasan kung kakain lamang ng konti sa mas madalas na panahon at ang pag iwas sa mga bagay na karaniwang nakakasanhi nito.

Sakit sa likod (backache)

Image Source: www.freepik.com

Ito ay maaring maiwasan o makontian ang sakit sa paraang ito: klapag kukuha ng bagay mula sa lapag, sa halip na ibaba ang kalahati ng katawana upang abutin ito ay mas maiging mag squat na lamang (PIC). Gumamit din ng unan habang nakaupo at wag magsuot ng sapatos na may mataas na heels.

Ugat o varicose veins

Image Source: www.nymetrovein.com

Upang maiwasan ito, makakatulong ang pagpapahinga ng madalas, itaas ang paa, paggamit ng supprt stockings.

Hemorrhoids/almoranas

Image Source: newsnetwork.mayoclinic.org

Maaring gumamit ng topical anesthetics na ipinapahid lamang sa apektadong bahagi ng pwet. Maari ring uminom ng mga pamapalambot ng dumi, Kumonsulta sa duktor ukol sa mga gamut na maaring gamiting para dito.

Candidiasis

Image Source: www.independent.co.uk

Ang sintomas nito ay ang paglabas ng discharge mula sa pwerta. Maaring gumamit ng Miconazole, Cotrimazole o Nystatin para dito.