Ehersisyo
Image Source: www.self.com
Sa kabuuan, hindi kinakailangan limitahan ang pag-eehersisyo ng mga buntis basta ba hindi sila sobrang napapagod o kaya naman ay maging delikado ang kanilang sitwasyon. Gumaganda ang pagkilos ng kanilang puso at pagdaloy ng dugo. Kinakailangan na maeksamen muna ng doctor ang buntis bago magrekomenda ng programa para sa kanyang ehersisyo. Kung ligtas at wala naming siyang kondisyon na nagbabawal, ang buntis ay nirerekomenda na magkaroon ng regular na katamtaang hirap na ehersisyo na tumatagal ng 30 minuto o mahigit sa isang araw. Iwasan ang mga gawain na baka maging dahilan ng pagkatumba o pagkatama sa sinapupunan ng buntis.
Hanapbuhay
Image Source: www.parents.com
Ang mga babae na wala namang komplikasyon ang kanilang pagbubuntis ay maaaring magtrabaho hanggang dumating ang kanilang paglelabor. Apat hanggang anim na linggo ang panahon na kailangan bago bumalik sa normal na kondisyon ang kanilang katawan. Kung nagtatrabaho pa rin habang nagbubuntis, tumataas ang insidente ng panganganak ng kulang sa buwan, maliit kaysa sa normal ang fetus, o altapresyon dahil sa pagod. Iwasan ang trabaho na magdudulot ng sobrag pagod sa katawan. Magpahinga sa pagitan ng trabaho. Ang mga nanay na nagkaroon na dati ng komplikason sa pagbubuntis ay dapat limitahan ang trabahong ginagawa.
Pagbiyahe
Image Source: aaptiv.com
Ang malulusog na mga nagdadalangtao ay maaari pa ring bumyahe basta’t mag-ingat lamang at gumamit ng seatbelts. Mag-ingat din upang hindi mahawa sa mga may sakit.
Pagligo
Image Source: www.verywellfamily.com
Hindi pinagbabawal ang pagligo habang buntis. Mag-ingat upang hindi madulas lalo na dahil bumibigat na ang tiyan.
Pananamit
Image Source: stylecaster.com
Kinakailangang comportable ang damit at hindi nalilimitahan ang pag galaw ng ina. Gumamit ng bra na tama ang sukat at comportable upang makasuporta ng mabuti. Iwasan ang mga pantalon na kung saan ay mahihirapan kumilos ang buntis.
Pagdumi
Image Source: www.medicalnewstoday.com
Uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang pagkatibe o ang pagkakaroon ng matigas na dumi. Kailangan ding mag-ehersisyo. Mas madalas ding magkaroon ng almuranas ang isang babae habang nagbubuntis.
Pagtatalik
Image Source: unsplash.com
Sa mga malulusog na nagbubuntis, ang seks ay hindi naman nakasasama. Kung delikado sila na maglabor nang maaga kaysa ang normal o delikado na malaglag ang bata, iwasan muna ang pagtatalik.
Pag-alaga sa Ngipin
Image Source: www.nsbendo.com
Ang eksaminasyon ng ngipin ay dapat na kasama sa prenatal check-up. Ang malilinis at malulusog na mga ngipin ay mahalaga. Ang pagkasira ng ngipin ay hindi pinalalala ng pagbubuntis. Maaari pa ring magpapasta o magpabunot ng ngipin kahit nagdadalangtao.
Bakuna
Image Source: www.consumerreports.org
Mga bawal na bakuna para sa mga buntis:
Mga pwedeng bakuna:
- Rabies
- Pneumococcus
- DPT (Tetanus-diptheria)
Ang Hepa B vaccine ay maaring kunin para lamang sa mga high risk na pasyente at sa mga negative para sa B antigen. Ang typhoid ay maari para sa mga pupunta sa mga lugar na talamak ang sakit na ito.
Paninigarilyo
Image Source: hellogiggles.com
Ang paninigarilyo habang buntis ay nakakasama para sa sanggol sa sinapupunan. Una, maaring bumaba ang timbang ng sanggol ng abot sa 200g at maari pang magkaroon ng abnormality ang bata. WAG MANINIGARILYO habang nagbubuntis
Alcohol at kape
Image Source: www.quitalcohol.com
Ang alcohol ay ipinagbabawal dahil maari itong makasama sa bata. Ukol naman sa pag inom ng mga inuming may caffeine tulad ng sopdrinks at kape, maari itong inumin ngunit limitahan lamang ang pagkonsumo nito. Mas makakabuti pa ring iwasan ang pag inom ng ganito habang ikaw ay nagububntis.
Droga
Ang matagal na paggamit ng droga at ang paggamit nito habang nagbubuntis ay maaring makadulot ng pagbaba ng timbang ng sanggol at maaring mahirapan ang bata sa loob ng sinapupunana ng ina.
Gamot
Image Source: www.sanovadermatology.com
Dapat ay maging maingat sa mga iinuming gamut sapagkat marami dito ang maaring makonsumo din ng bata sa sinapupunan. Kumonsulta muna sa duktor ukol sa mga gamut na hindi makakasama para sa bata bago uminom ng kahit ano.