Mga pagkain na dapat limitahan kapag may Hyperacidity

Ang sobrang pangangasim ng tiyan o hyperacidty ay isang ‘di kaaya-ayang pakiramdam na maaaring maranasan ng sinuman. Ito ay isang pangkaraniwang sintomas kung saan tumataas ang produksyon ng asido sa tiyan. Maaaring ito ay dulot ng ilang mga karamdaman sa sikmura, mga pagkain na kinakain, o kaya’y gamot na iniinom.

Sa oras na nararanasan ang sintomas na ito, mahalaga na iwasan ang mga pagkaing acidic na maaaring makapagpalala lamang ng kondisyon. Tandaan na maaaring humantong sa pangmatagalang hyperacidity, malalang impatso, o ulcer sa sikmura kung ito ay mapapabayaan. Narito ang mga pagkain at inumin na dapat iwasan kung sakaling dumaranas ng hyperacidity.

1. Inuming mayaman sa caffeine

Ang mga inuming mayaman sa caffeine gaya ng kape, tsaa, mga energy drink, at iba pa ay maaaring makapagpasimula ng pangangasim ng tiyan. Kaya naman mahalaga na malimitahan ang pag-inom sa mga inuming may caffeine.

Image Source: minuteschool.com

2. Soda

Ang mga inuming soda, bukod sa taglay nitong caffeine, ay masyado ring acidic kung kaya’t dapat lamang na ipagbawal ang pag-inom nito kung madalas ang pagkakaranas ng hyperacidity.

Image Source: aarp.org

3. Alak

Ang mga inuming may alkohol gaya ng beer, wine at iba pang matatapang na alak ay nakakapagpasimula din ng hyperacidity. Maaari din itong makapagpasimula ng acid-reflux o pagangat ng kinain mula sa sikmura.

Image Source: thefiscaltimes.com

4. Citrus Fruits

Ang mga prutas na citrus gaya ng kalamansi, orange, ponkan o suha ay likas na acidic. Dapat itong iwasan o limitahan lalo na kung ang tiyan ay walang laman sapagkat makapagsisimula din ito ng pangangasim ng sikmura.

Image Source: womensrunning.com

5. Kamatis

Lingid sa kaalaman ng marami, ang kamatis ay may mataas din asido. Ang pagkain ng sariwang bunga ng kamatis o kaya pagkain na may tomato sauce ay maaaring magdulot ng hyperacidity.

Image Source: upost.info

6. Bawang at Sibuyas

Ang matapang na lasa ng bawang ay sibuyas ay maaaring makapagpasimula ng hyperacidity. Ang mga kemikal na taglay ng mga pampalasang ito ay nakakapagpalakas ng produksyon ng asido sa tiyan.

Image Source: homeguides.sfgate.com

7. Maaanghang na pagkain

Gaya din ng bawang at sibuyas, ang mga pampaanghan o spices ay madalas na makapagpasimula rin ng matinding pangangasim ng tiyan. Dapat lamang din na iwasan ang mga pagkaing maaanghang kung mayroong hyperacidity.

Image Source: smallbasket.com.ph

8. Mga karne na mataba

Ang mga karne ng baka o baboy na may taglay na maraming taba ay mas matagal tunwanin sa sikmura kung kaya’t tumataas din ang produksyon ng asido tiyan. Mas mabuting iwasan ang pagkain ng maramihan sa mga matabang karne kung dumadanas ng hyperacidity.

Image Source: straitstimes.com

9. Keso

Ang pagkain ng keso lalo na kung busog na ay maaari ding makapagpasimula ng hyperacidity. Ang taba na taglay ng mga keso ay mahirap ding tunawin kung kaya’t nakakapagpataas din ito ng produksyon ng asido sa tiyan.

Image Source: thejakartapost.com

10. Tsokolate

Ang tsokolate na paborito ng marami ay dapat ding iwasan kung dumaranas ng hyperacidity. Ang tsokolate ay may taglay na caffeine, taba, at cocoa na pare-parehong makapagpapasimula ng pangangasim ng sikmura.

Image Source: eldeber.com.bo