Mga pagkain na mayaman sa calcium

Ang calcium ay isang elemento na mahalaga sa katawan sapagkat ito’y mahalagang bahagi ng ating mga buto. Ang calcium ay importante rin sa paggalaw ng mga masel, at iba pang mahalagang katungkulan. Ang kakulangan ng calcium ay maaaring magdulot ng problema sa buto gaya ng osteoporosis, lalo na sa mga kababaihan.

Mga pagkain na mayaman sa calcium

1. Gatas – ito ang pangunahin at pinakamayamang pinagkukuhanan ng calcium. Kasama na dito ang mga pagkain na gawa sa gatas gaya ng yoghurt at keso. Subalit maraming tao ang hirap uminom ng gatas dahil sa lactose intolerance kaya mahalaga ring alamin ang iba pang pinagmumulan ng calcium.

Image Source: www.washingtonpost.com

2. Mga isdang-dagat na nakakain ang buto gaya ng delatang sardinas o salmon, o nilagang tambakol. Tandaan na dahil ang calcium nga ay nasa buto, ang pagkain ng buto ng mga isda ay magbibigay ng calcium sa katawan.


Image Source: www.casabaluartefilipinorecipes.com

3. Mga berdeng gulay gaya ng brocolli, spinach, malunggay, at iba pang madahon at kulay berdeng gulay (green, leafy vegetables).

4. Mga produktong soya gaya ng soya milk, taho, tofu, at iba pa. Uso ang mga sangkap na ito sa mga pagkaing makikita sa mga Chineese restaurant.

Image Source: www.everydayhealth.com

5. May mga pagkain rin na bagamat hindi mataas ang calcium sa natural na anyo, ay “fortified with calcium” o sinadyang lagyan ng calcium. Kasama dito ang mga cereals, orange juice, at iba pa.

Image Source: www.foodbusinessnews.net

6. Calcium supplements – mga tabletang may calcium na pandagdag sa calcium na galing sa ating pang araw-araw ng pagkain. Rekomendado lamang ito sa mga taong kulang sa calcium. Tanungin ang inyong doktor kung kailangan mo ba ng calcium supplements, at humingi ng payo kung anong uri ng calcium supplement ang dapat bilhin.