Ang pagkakaroon ng hangin sa tiyan ay isang pangkaraniwang kondisyon na kilala ng lahat bilang kabag. Bagaman wala naman itong seryosong epekto sa kalusugan, maaaring makapagdudulot pa rin ito ng di kumportableng pakiramdam na maaaring makaapekto pa sa pagiging produktibo ng isang tao. Bukod pa sa pananakit ng sikmura, maaaring mapadalas din ang pag-utot na mararanasan.
Ang pagkakaroon ng kabag ay kadalasang maisisisi sa mga uri ng pagkain na kinakain ng isang indibidwal. Kaya naman kung nakakaranas ng madalas na kabag, mabuting bawasang ang pagkain sa mga pagkaing ito. Narito ang ilang mga pagkain at inumin na maaaring maka-kontribyut sa pagkakaroon ng kabag.
Image Source: aarp.org
1. Soda
Alam naman natin na ang mga inuming soda o mga carbonated drink ay may taglay na hangin. Ang bawat lagok ng inuming ito ay maaring laging may kasunod na dighay. Mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng kabag kung hindi mai-didighay ang hangin na taglay ng inuming ito.
2. Broccoli at Cauliflower
Ang mga gulay na broccoli at cauliflower ay may taglay na natural na asukal na kung tawagin ay . Ang asukal na ito, na makikita sa maraming uri ng gulay, kapag natunaw sa mga bituka at sikmura ay makapaglalabas ng hangin sa tiyan at magreresulta sa pagkakaroon ng kabag.
3. Kamote
Kilala ang kamote sa reputasyon nito na nakapagdudulot ng madalas na pag-utot. Gaya rin ng ibang gulay, taglay din ng kamote ang asukal na raffinose na nakakadagdag hangin sa tiyan.
4. Mansanas
Marami sa mga prutas na kinakain natin, halimbawa na lang ang mansanas, ay may taglay naman na natural na asukal na sorbitol Ang asukal na ito ay nakapagbibigay din ng karagdagang hangin sa tiyan kung matutunaw.
5. Gatas at mga produktong gatas
Ang lactose naman asukal na makikita sa mga gatas at mga produktong gatas tulad ng keso, yogurt at mantikilya. Ito ay malakas din makapagbigay ng hangin sa tiyan kung matutunaw ng sikmura.
6. Beans
Ang mga beans naman, bukod sa presensya ng raffinose, at mayaman din sa soluble fibre na isa pang malakas makapagbigay ng hangin sa tiyan. Ang mga fiber ay kalimitang kinokonsumo ng mga bacteria na natural na naninirahan sa tiyan at ang mga ito naman ay maglalabas ng hangin bilang resulta.
7. Chewing gum
Marami sa mga chewing gum na mabibili ngayon ay may sangkap na sorbitol bilang pampatamis. Hindi rin malayong makalunok ng hangin sa patuloy na pagnguya ng chewing gum.
8. Oat meal
Ang pagkaing oat ay mataas sa soluble fiber. Ito ay natural na nakadaragdag sa hangin ng tiyan.