Dahil sa dami ng nakaambang na mga mikrobyo at organismo sa ating paligid, hindi malayong mahawa tayo sa iba’t ibang uri ng sakit. Konting pagpapabaya lang ay maaaring mahawa na ng sipon, ubo, trangkaso o iba pang mga pangkaraniwang sakit ng tao. Ngunit kung mananatiling malakas ang resistensya ng katawan, may posibilidad na makaiwas sa pagkakahawa sa mga ito.
Ang pamumuhay nang masigla at aktibo ang tanging paraan upang mapalakas ang depensa laban sa mga nakakahawang sakit. Kabilang na dito ang mga sumusunod na hakbang:
1. Huwag manigarilyo
Image Source: www.freepik.com
Dahil ang paninigarilyo ay isang hakbang na maaaring sumabotahe sa lakas ng immune system ng katawan, marapat lamang na ito ay iwasan o itigil na. Umiwas din sa mga taong naninigarilyo sapagkat nakasasama rin sa resistensya ng katawan ang pagkakalanghap ng second hand smoke. Basahin ang masasamang epekto ng paninigarilyo sa kalusugan: 10 Dahilan para itigil ang paninigarilyo.
2. Iwasan ang pag-inom ng alak
Image Source: www.bbc.com
Gaya ng sigarilyo, ang madalas at sobrang pag-inom ng alak ay nakakapagpahina rin ng resistensya ng katawan. Mabuting iwasan ito o gawin lamang nang paminsan-minsan upang hindi maapektohan ang tatag ng depensa laban sa mga impeksyon. Alamin ang mga sakit na maaaring makuha kung mapapasobra ang pag-inom ng alak: Mga sakit na makukuha sa sobrang pag-inom ng alak.
3. Laging matulog nang sapat
Image Source: unsplash.com
Ang sapat na tulog ay nakakaapekto sa lakas ng resistensya ng katawan. Mas madaling mahahawa ng sakit kung palaging puyat o kulang sa tulog. Tiyaking nakakatulong nang hindi bababa sa 8 oras upang malayo sa mga nakakahawang sakit. Alamin kung gaano katagal dapat matulog ang isang tao: Gaano katagal ang kumpletong tulog?
4. Kumain ng gulay at prutas
Image Source: www.freepik.com
Mapalalakas nang husto ang depensa kung kakain parati ng gulay at prutas. Ang mga bitamina at mineral na makukuha sa mga pagkaing ito ang nagsisilbing gasulina sa mga cells na magpoprotekta sa katawan laban sa impeksyon.
5. Dagdagan ang mabuting bacteria sa katawan
Para sa karagdagang depensa mabuting dagdagan ang mabuting bacteria sa katawan sa pamamagitan ng pag-inom ng mga probiotic drink na may taglay na buhay na good bacteria. Ang mga ito ay tumutulong na labanan ang masasamang bacteria na maaaring makapagdulot ng sakit. Basahin ang kahalagahan ng mabuting bacteria sa katawan: Kahalagahan ng Good bacteria.
6. Regular na mag-ehersisyo
Image Source: blogs.discovermagazine.com
Siguraduhing nakakaehersisyo nang regular sapagakt ito ay isang mabuting paraan ng pagpapalakas sa resistensya. Alamin ang mabubuting epekto sa kalusugan ng regular na pag-eehersisyo: Kahalagahan ng pag-eehersisyo.
7. Maging masaya
Napatunayan ng ilang pag-aaral na ang pagiging masaya at madalas na pagtawa ay nakadaragdag sa bilang ng cells na pumupuksa sa mga mikrobyo. Pinapababa din nito ang lebel ng stress hormone na siyang sumisira sa resistensya ng katawan.
8. Siguraduhing nakatanggap ng bagong bakuna
Image Source: www.medicaleconomics.com
Nararapat lamang na tumanggap ang lahat ng bagong bakuna na naaangkop at nakakasabay sa mabilis din na pagbabago ng maraming uri ng mikrobyo na nakapagdudulot ng sakit
9. Kumain ng bawang
Image Source: unsplash.com
Ang bawang ay natural na antibiotic na lalaban sa maraming uri ng mikrobyong nagdudulot ng sakit. Ang paminsan-minsang pag-inom sa katas nito ito ay makatutulong sa pagbibigay ng panandaliang paglakas ng resistensya sa mga sakit. Basahin ang mga benepisyo ng bawang sa ating kalusugan: Halamang Gamot: Bawang.
10. Mag-bilad nang ilang minuto para sa karagdagang Vitamin D
Ang pagbibilad nang 15 hanggang 20 minuto sa ilalim ng araw ay makatutulong sa produksyon ng vitamin D sa ating katawan. Ang mga taong may mataas na lebel ng vitamin D ay hindi madaling makakapitan ng sakit. Alamin ang kahalagahan ng Vitamin D sa ating kalusugan: Kahalagahan ng Vitamin D.