Mga side effect ng gamot sa tuberculosis o TB

Sa tagal ng gamutan ng TB (anim na buwan o higit pa) at sa dami ng mga Pilipino na umiinom ng mga gamot sa TB, mahalagang kilalanin natin ang mga side effects nito. Narito ang listahan ng mga karaniwang side effects ng TB, at ano ang pwedeng gawin kung ito ay maranasan.

Side effectGamot na may sanhiDapat gawin
Kulay pula o orange na ihiRifampicinHayaan lamang; ito’y normal
Pagsakit ng tiyan, sikmuraRifampicinInumin ang gamot bago matulog imbes na sa ibang oras
Pagsakit ng kasukasuanPyrazinamideMaaring uminom ng pain reliever
Lagnat, trangkasoRifampicinIpatingin sa doktor
Paninilaw ng katawanAlin man sa mga gamotItigil ang pag-inom ng gamot at magpatingin sa doktor
Pagbabago sa paningin o panlalabo ng mataEthambutolItigil ang pag-inom ng Ethambutol at magpatingin sa doktor
Pagbabago o panlalabo sa pandinigStreptomycinItigil ang pag-inom ng Streptomycin at magpatingin sa doktor
Malalang pantal-pantal, rashes, pangangati at iba pang pagbabago sa balatAlin man sa mga gamotItigil ang pag-inom ng gamot at magpatingin sa doktor
Balisawsaw o pagbabago sa ihi maliban sa pamumula ng ihi na dahil sa RifampicinAlin man sa mga gamotItigil ang pag-inom ng gamot at magpatingin sa doktor
Iba pang kakaibang nararamdaman sa doctorAlin man sa mga gamotItigil ang pag-inom ng gamot at magpatingin sa doktor

Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang “Ano ang gamot sa TB o tuberculosis?” sa Mediko.PH.