Q: ang asawa ko po ay nghihilik pag natutulog, anu po ang dapat gawin para maiwasan po ito, at nakakaapekto po ba ito sa kalagayan niya ngayon ng hi blood?
A: Ang paghihilik sa pagtulog ay maaaring epekto ng hindi maayos na posisyon ng panga; bara sa daluyan ng hangin sa ilong, taba na naipon sa lalamunan; maaari rin itong sintomas ng tinatawag ng ‘sleep apnea‘, isang problema sa paghinga habang natutulog.
Bagamat hindi pa klaro sa ngayon kung paano ito nangyayari, ang paghilik ng malakas ay napag-alamang may kaugnayan sa pagkakaron ng atake sa puso at stroke, sa siya ring mga komplikasyon ng ‘high blood’ o hypertension. Pero, marami rin namang mga tao na normal lang sa kanila ang pag-hilik.
May ilang simpleng stratehiya upang maiwasan ang paghilik, gaya ng pagtulog ng patagilid, pag-iwas sa paninigarilyo, at pagbabawas ng timbang. May mga gamot rin para dito, ngunit pinapayo kong magpatingin muna sa doktor bago subukan ang mga ito, upang masuri rin kung ano nga bang sanhi ng paghilik.