Nakagat ng aso matagal na…rabies, pwede pa ba?

Q: Nakagat ako ng aso 8 years ago… Hinugasan ko po at nilagyan ng alcohol…pero hindi po ako nagpaturok ng anti rabies. Maari ba akong magkarabies? Thanks po…

A: Hindi na. Kung totoong rabies yun, sana 1 hanggang 3 buwan pa lamang pagkatapos kang makagat ay nagkaron ka ng ng sintomas ng rabies, gaya ng trangkaso, pagka-paralisa ng buong katawan, takot sa tubig, hindi makalunok, hanggang sa kamatayan sa loob lamang ng ilang linggo. Kung meron mang mga kasong naitala na umabot ng hanggang anim na taon mula pagkakakagat hanggang sa pagkakaron ng mga sintomas, ang mga ito ay bihirang-bira at halos hindi nangyayari.

Ang gusto kong idiin dito ay hindi lahat ng kagat ng aso ay may rabies. Ngunit, kaya rekomendado ang pagpapabakuna sa rabies kung nakagat ng aso ay sapagkat ang rabies ay isang karamdaman na nakakamatay at walang gamot dito. Kaya mabuti na ang sigurado. Ngunit, dahil nga ito’y bihirang bihira, sa iyong kaso ay halos tiyak na ito’y hindi rabies, kaya huwag kang mag-alala.