Nakakakulugo ang ihi ng palaka

Isa sa mga pinakasikat na paniniwala na pangmedikal ay ang pagkakaugnay daw ng ihi ng palaka at kulugo. Sinasabing magkakaroon daw ng kulugo o warts kung sakaling madikit sa ihi ng palaka. Ito ba ay totoo?

Kulugo o warts ang tawag sa maliliit na bukol na maaaring tumutubo sa balat na dulot ng human papillomavirus o HPV. Dahil ito ay isang uri ng impeksyon na dulot ng virus, ito ay maaari lamang makuha sa taong mayroong kulugo. Ang mala-kulugo na bumabalot sa balat ng palaka ay natural at walang kinalaman sa HPV. Wala ring siyentipikong pag-aaral ang makapagpapatunay na ang ihi ng palaka ay mayroong HPV, kaya’t maaaring pabulaanan ang paniniwalang nakapagdudulot ng kulugo ang ihi ng palaka.