Nakakalbo ka na ba? Kaaalaman at Gamot sa Pagiging Kalbo

Ang mga kalalakihan ay sadyang nakakalbo habang tumatanda. Ang pagkakalbo ng buhok ng tao ay nakapdende sa lahi (Filipino, Kastila, Tsino, etc.) at sa pamilya. Sa mga ito rin nakadepende kung sa anong edad maguumpisang makalbo ang isang tao. Ibang usapan ang pagkalagas ng buhok dahil sa pagkakasakit o sa chemotherapy. Bukod sa pagkakamana ng pagkakalbo, may ilang mga bagay na nakitang maaaring dumagdag sa pagkakalbo, gaya ng stress o masyadong maraming alalhanin o trabaho.

Ang pagkakalbo ng mga kalalakihan o male pattern baldness ay naguumpisa sa gilid ng noo, at ito’y paatras ng paatras at papagitna ng papagitna. Bukod dito, maaari ring magkaron ng pagkakalbo mula sa gitna ng ulo na minsan ito’y tinatawag na “pagkapanot”.

 

Ang pagkakalbo ay naguumpisa kapag ang isang lalaki ay higit sa 30 taon ngunit maaari itong mag-umpisa ng mas maaga. Alamin mo kung kailan nag-umpisang makalbo ang iyong tatay at lolo (sa magkabilang panig ng pamilya) at magkakaroon ka ng edeya kung kalian maaaring magumpisa ang sarili mong pagkakalbo.

Maraming mga haka-haka sa pagkakalbo, gaya ng konektado raw ito sa limit ng pakikipagtalik, pagjajakol. May mga nagsasabi pa ang mga kalbo ay mas magaling o mas aktibo sa kama, at ang mahihigpit na saklop ay nakakapagsanhi ng kalbo. Ang mga ito ay pawang hindi totoo.

Ang tanong, paano maiiwasan ang pagkakalbo? Dahil ang pagkakalbo ay namamana, hindi ito maaaring tuluyang maiwasan. Ngunit may mga paraan upang mapanatili ang buhok. Isang prinsipyong mahalagang tandaan ay “Mas madaling pigilan ay pagkawala ng buhok kaysa sa pagbabalik ng buhok na nawala na.”

Ang Minoxidil at ang Finasteride ay dalawang gamot na maaaring makapagpabagal ng pagkakalbo. Ang Minoxidil ay pinapahid sa buhok araw-araw pagkatapos maligo.

Ang mga iba naman, sa halip na subukang panatilihin ang buhok, sinusubukan na lamang itong itago sa pamamagitan ng pagsusuklay ng natitirang buhok upang takpan ang mga bahagi ng ulo na nakakalbo. Pwede ring magsuot ng pekeng buhok na wig kung tawagin.

Ang iba pa, imbis na subukang panatilihin o takpan ang pagkakalbo, pinaninindigan na lang ito at pinapaahit na ang natitirang buhok.

Kung nakaka-apekto sa’yo ang pagkakalbo, maaaring subukan na itago o gamutin. Ngunit ito’y natural na proseso at hindi dapat ikahiya. Tingnan mo nga ang mga teenager, sila mismo ang nagkukusang magpakalbo. Hindi mo alam, baka mas magpabata pa sa iyong mukha kung ikaw ay kalbo.