Q: Namamaga po ang paa ko, ano po ba ang gamot nito? Mataas po ba ang uric acid ko?
A: Maraming pwedeng magdulot ng pamamaga ng paa, kabilang na dito ang iba’t ibang uri ng rayuma, impeksyon, paglalakad ng malayo na may mahigpit na sapatos, at marami pang iba. Ang gamot dito ay nakadepende kung ano ang sanhi, na kailangang masuri ng doktor upang ma-tiyak.
Nabanggit mo ang uric acid. Ang mataas na uric acid sa katawan ay maaaring maging sanhi ng tinatawag na ‘gout’ o ‘gouty arthritis’, isa itong uri ng rayuma na karaniwang nakakaapekto sa paa. Ang sintomas nito ay pamamamaga sa mga kasu-kasuan sa paa. Kung ito ay kinakatakot mo, magpatingin sa doktor upang masuri ang iyong dugo kung mataas ba talaga ang antas ng uric acid sa iyong katawan. May mga gamot naman upang ma-control ang gout at ang pamamaga nito. May mga hakbang rin gaya ng pag-iwas sa ilang mga pagkain na pwedeng gawin para mapababa ang uric acid sa dugo.
Tingnan ang artikulo tungkol sa uric acid para sa iba pang kaalaman.