Ano ang nerbyos? Bakit ako ninenerbyos?

Q: Bakit ako ninerbyos san ba nagmumula?

A: Ang pagkakaron ng ‘nerbyos’ ay isa sa mga bagay na hindi pa ganap na maipaliwanag ng medisina, subalit ayon sa ilang mag-aaral, ito’y maaaring ihambing sa ‘panic attack’, o di kaya sa ‘post-traumatic stress disorder’; ang mga ito ay pawang kategorya ng karamdaman na may kaugnayan sa mga nakakalungkot, nakakatakot, nakakabigla, o nakakatarantang karanasan noong nakaraan.

Posibleng ang nerbyos ay dahil sa isang ‘stressor’, o isang bagay na sanhi ng ‘stress’ sa iyong buhay. Kung gayon nga, magandang maibahagi mo ang anumang nakakabagabag o nakakasagabal sa iyo sa isang taong iyong pinagkakatiwalaan. Iwasang magpuyat o gumawa ng mga sobrang nakakapagod ng aktibidad. Kumain ng wasto, iwasan ang pag-inom ng alak.

Karamihan ng ‘nerbyos’ ay nawawala ng kusa. Subalit kung ito’y hindi parin lumilipas, maaari kang magpatingin sa isang doktor upang mapag-usapan nyo ang bagay na ito.