Nilalabasan ng tamod habang natutulog

Q: doc may sakit yung kaibigan ko mga 7 years nah nyang daladala na habang tulog cya kapag napigilan nya ang pag ihi nya nilalabasan cya ng tamod anong sakit ba yan doc kasi sabi ng doktor wala naman syang infection hanggang ngayon hindi pah nagamot….? sabi nang doctor hindi naman wet dreams kasi iba naman po ang sitwasyon…. kapag tulog sya at napigilan nya ng matagal ang pag ihi nya don lumalabas ang tamod…?

A: Hindi malinaw sa akin kung ano ang eksaktong detalye ng nararamdaman ng taong kinwento mo. Kung ito’y nangyayari habang tulog, posible parin itong ituring na ‘wet dream’ na bagamat ito’y mas karaniwan sa mga binata at mga nasa edad 20’s, ito’y pwede paring mangyari sa kahit anong edad. Kung ito’y paminsan-minsan lamang nangyayari, ito’y hindi naman dapat ikabahala ngunit kung ito’y madalas o dumadalas mangyari, maaaring magpakonsulta sa isang urologist na siyang spesyalista sa mga ganitong kondisyon.