Normal ba na tumataas ang BP pag kabado?

 title=

Q: lately hirap akong makatulog 5 days akong ganyan. kagabi naisipan kong magpakunsulta na sa doctor pagdating ko ng hospital bp nila ako kinabahan ako naka may sakit na ko kaya umabot ng 170/12o ang bp ko.. ganon po ako pag bnBp kinakabahan di ko po alam kung bakit? normal po bang tataas ang bp ko pag kinakabahan at kulang sa tulog sa loob ng 4 days? pro kagabi nakatulog na po ako ng almost 11hrs

A: Yes!! Normal lang na tumataas ang BP kapag kinakabahan. May tinatawag nga tayo na “white coat hypertension” o mataas na BP kapag nakakita ng doktor o nagpupunta sa ospital. Kaya tuwing kumukuha kami ng BP, pinapag-pahinga muna ang pasyente ng 15 minutes para mawala ang pagod at kaba.

Kaya ang payo ko sayo ay ipa-check muli ang iyong BP sa isang lugar na mas relaxed ang iyong pakiramdam. Naiintindihan ko kung bakit ka kinakabahan sa pagkuha ng BP, ngunit subukan mo ring pa-kalmahin ang sarili. Baka rin may kilala kang nurse o health worker na maaaring kumuha ng BP.