Vitamin D

Ang Vitamin D ay isang mahalagang bitamina na kilalang nakukuha mula sa sinag ng araw at sa iilang mga pagkain. Tumutulong ito sa masmaayos na pagsipsip ng calcium sa katawan na mahalaga sa pagpapatibay ng mga buto at ngipin. Malaki rin ang papel ng Vitamin D sa paglago, paglaki at tamang pagkakahulma ng mga cells ng buto. Bukod pa sa mga nabanggit, mahalaga rin ang Vitamin D sa pagkakabuo at paglago ng ilan pang mga cells sa katawan, maayos na paggana ng mga kalamnan at neurons, pati sa pagpapatibay ng resistensya ng katawan.

Gaano karaming Vitamin D ang kailangan ng katawan sa araw-araw?

Ang nakatakdang Daily Value para sa Vitamin D para sa isang indibidwal na nasa hustong edad ay 600 IU. Maari pa itong magbago depende sa kaganapan sa katawan gaya ng pagbubuntis at katandaan. Ang mga matatanda na mas mataas mapanganib sa pagrupok ng buto ay nangangailangan ng hanggang 800 IU.

Ano ang maaaring mangyari kung sumobra sa Vitamin D?

Ang sobrang Vitamin D, na kadalasan ay nakukuha sa sobrang pag-inom ng mga supplements, ay maaaring magdulot ng sobrang calcium sa dugo na maaaring humantong sa pagsusuka, hirap sa pagtatae o pagtitibi, pagkalito, abnormal na ritmo ng tibok ng puso, at pagkakaroon ng bato sa bato. Ayon sa mga nutritionist, aabot sa 4000 IU ng Vitamin D ang maaaring tanggapin ng katawan, anumang sobra dito ay maaaring makasama.

Ano ang epekto sa katawan kung kulang ang Vitamin D?

Ang kakulangan naman ng Vitamin D sa katawan ay maaaring magresulta sa pagnipis at pagrupok ng mga buto, paglambot at pamamaluktot ng mga buto (rickets) sa mga bata at maagang pagrupok ng mga buto (osteomalacia) sa matatanda.

Paano nakukuha ang Vitamin D mula sa araw?

Sa katunayan, ang Vitamin D ay hindi naman talaga nakukuha sa sinag ng araw bagkus kailangan ang araw upang mabuo ang natural na Vitamin D sa katawan. Ang ultraviolet na nakukuha mula sa sinag ng araw, sa oras na tumama ito sa balat, ay nakapagpapasimula sa pagbuo o synthesis ng Vitamin D sa katawan.

Mga pagkain na maaaring mapagkunan ng Vitamin D

1. Cod Liver Oil

Ang cod liver oil na nakukuha mula sa atay ng isdang cod ang may pinakamataas na napagkukunan ng Vitamin D. Ang isang kutsara ng mantikang ito ay mayroong 1,360 IU ng Vitamin D.
cod oil

2. Tuna

Ang isang lata ng tuna na nakababad ay maaaring makuhanan ng 154 IU ng Vitamin D.

Image Source: www.flickr.com

3. Salmon

Ang isdang salmon ay mayaman din sa Vitamin D. Aabot sa 447 IU ng Vitamin D ang 3 ounces ng isdang ito.

fresh salmon steak on white background

4. Gatas

Mayroon nang mga gatas na mabibili sa mga pamilihan na fortified ng Vitamin D. Maaaring umabot sa 154 IU ang isang baso ng gatas na ito.

5. Margarina

Ang isang kutsara rin ng margarina ay maaaring mapagkunan ng Vitamin D. Hanggang 60 IU ng bitamina ang maaaring makuha dito.

margarine

6. Sardinas

Ang isang lata ng sardinas na kadalasan ay may 2 isda ay mayroong 46 IU ng Vitamin D.

Image Source: www.casabaluartefilipinorecipes.com

7. Atay

Ang atay ng baka na maaaring isahog sa mga lutuin ay maaaring mapagkunan ng 42 IU ng Vitamin D.

liver

8. Pula ng itlog

Ang pula ng itlog ay kilala ring napagkukunan ng Vitamin D na umaabot sa 41 IU.

Image Source: www.outlookindia.com