Vitamin E

Ang Vitamin E ay isa sa mga mahahalagang sustansya na kailangan para sa mas maaayos na paggana ng katawan. Isa rin itong antioxidant na tumutulong na protektahan ang mga cells at tissue mula sa mga mapanirang free radicals. Matatandaan na ang mga free radicals ang nagdudulot ng pagtanda ng katawan at nakakakontribyut din sa pagkakaroon ng ilang karamdaman tulad ng kanser. Mahalaga rin ang Vitamin E sa pagpapalakas ng resistensya ng katawan laban sa mga bacteria at virus, at pagpapasigla ng balat at mata. Dagdag pa rito, may papel din ang bitaminang ito sa pagbuo ng mga red blood cells, pagtulong sa interaksyon sa pagitan ng mga cells, at tumutulong pa para magamit ng katawan ang Vitamin K.

Bagaman hindi pa malinaw at wala pang sapat na mga pag-aaral na makapagpapatunay sa koneksyon ng Vitamin E sa pagkakaiwas sa mga karamdaman sa puso, atay at pagkakaranas ng stroke, may mga ebidensya na tumutukoy sa mahalagang papel na ito.

Gaano karaming Vitamin E ang kailangan ng katawan sa araw-araw?

Ang nakatakdang Daily Value para sa Vitamin E ay 20mg para sa mga taong nasa hustong edad. Maari pa itong magbago depende sa kaganapan sa katawan gaya ng pagbubuntis at katandaan.

Ano ang maaaring mangyari kung sumobra sa Vitamin E?

Ang sobrang Vitamin E, na kadalasan ay nakukuha sa pag-inom ng mga supplement. At dahil dito maaring makaranas ng sobrang pagdurugo o hemorrhage. Maaari din itong magdulot ng pananakit ng ulo, pagsusuka, at pagkapagod. Ang pinakamalalang maaaring mangyari ay ang problema sa atay. Ang taong may sapat na gulang ay maari lamang kumunsumo ng hanggang 10,000 mg ng Vitamin E.

Ano ang epekto sa katawan kung kulang ang Vitamin E?

Ang kakulangan naman sa Vitamin E ay kadalasang konektado sa problema sa pagsipsip ng taba ng katawan (fat malabsorption). At dahil dito, maaaring makaranas ng mga problema sa daluyan ng pagkain, panunuyo at pagkalagas ng buhok, mabagal na paggaling ng sugat, panghihina ng mga kalamnan at pamumulikat ng hita.

10 Pagkain na Mayaman sa Vitamin E

1. Tokwa

Ang tokwa na nagmula sa pagproseso sa soy beans ay mayaman sa Vitamin E. Ang bawat 100g ng tokwa ay maaaring makapagbigay ng hanggang 5.3 mg ng Vitamin E.

Image Source: www.hungryhuy.com

2. Spinach

Ang mga dahon ng spinach ay napagkukunan din ng hanggang 2.1 mg ng Vitamin E sa bawat 100g ng gulay na ito.

3. Mani

Ang mga mani gaya ng almond, hazelnut, walnut at pistachio ay may mataas na Vitamin E. Umaabot sa 26.2 mg ng Vitamin E ang bawat 100 g ng mani na almond.

Image Source: www.healthline.com

4. Buto ng sunflower

Ang mga buto ng sunflower na kadalasang ginagawang pulutan sa mga salu-salo ay may mataas din na Vitamin E. Ang 100 g nito ay maaring makuhanan ng 36.3 mg na Vitamin E.

Image Source: healthline.com

5. Abukado

Ang prutas naman na abukado ay may taglay na 2.1 mg ng Vitamin E sa bawat 100 g ng laman nito.

6. Hipon at mga talaba

Ang mga lamang dagat tulad ng hipon, talaba at lobster ay mayroong 2.2 mg ng Vitamin E sa bawat 100 g ng hipon.

7. Isda

Ang mga kinakain nating isda gaya ng tilapia, salmon, at galunggong ay tinatayang mapagkukunan ng hanggang 2.8 mg sa bawat 100 g ng karne nito.

Image Source: www.medicalnewstoday.com

8. Olive oil, Canola oil at Corn oil

Ang mga mantikang nakukuha mula sa mga halaman ay mayaman din sa Vitamin E. Halimbawa sa olive oil, makukuhanan ng hanggang 14.4 mg ng Vitamin E ang 100 g ng matikang ito.

9. Brocolli

Ang berde at masustansyang gulay na brocolli ay talaga namang makukuhanan ng iba’t ibang nutrisyon, kabilang na ang Vitamin E. Mayroong 1.5 mg ng Vitamin E sa 100 g ng masustansyang gulay na ito.

Image Source: www.freshfruitportal.com

10. Kalabasa

Ang dilaw na gulay na kaabasa na mas kilala sa pagiging mayaman sa Vitamin A ay may taglay din na Vitamin E. Umaaabot sa 1.3 mg ang Vitamin E na makukuha sa 100 g ng gulay na ito.

Image Source: buklat.blogspot.com