Pregnancy Test ang karaniwang tawag sa simpleng gamit na nabibili sa botika para malaman kung ang isang babae ba ay nagbubuntis o nagdadalang-tao. Ito’y biubuo ng isang “strip” na kailangang lagyan patak ng ihi galing sa babaeng gustong i-test. Gumagana ang pregnancy test dahil ito’y sensitibo sa levels ng HcG, isang hormone na lumalaganap kapag ang isang babae ang nagbubuntis, lalo na sa panahon na hindi dumating ang inaasahang regular na pag-regla o menstruation.
Kapag hindi dinatnan ng regla, maaaring bumili ng pregnancy test kit sa botika. Buksan ito at magpatak ng ihi gamit ang ‘dropper’ o pampatak na kasama na sa pregnancy test kit. Importante na hindi makaabot sa arinola o ihi bago ito kolektahin; dapat hindi mahaluan ng anumang bagay, likido, o tubig ang ihi na ipapatak.
Makaraan ang 5 minuto, tingnan ang pregnancy test kit. Apat lamang ang maaaring maging resulta:
- May dalawang linyang nabuo sa kit -> Positibo ang resulta; Malaki ang probabilidad na buntis ang babae
- May isang linyang nabuo na kahanay ang letrang C -> Negatibo ang resulta; Malaki ang probabilidad na HINDI buntis ang babae
- May isang linyang nabuo ng kahanay ang letrang T -> Hindi Katangtanggap ang resulta; Maaring sira ang pregnancy kit; Kailangang ulitin ang test
Bakit ang pregnancy test na “Maaaring Senyales” lamang? Maaari bang hindi buntis kahit positive ang Pregnancy Test?
Image Source: www.freepik.com
Maraming mga kondisyon ang pwedeng maka-apekto as resulta ng pregnancy test gaya ng kanser, sakit sa atay, at kwaya (hydatidiform mole o molar pregnancy) at iba pang kondisyon. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Pregnancy Test, bisitihin ang artikulong ito.
Maari bang buntis parin kahit negative ang pregnancy test?
Image Source: www.freepik.com
Oo, maari rin. Ito ang mga tinatawag na false negative results. Nangyayari ito kapag masyadong maaga ang paggamit ng pregnancy test dahil ang hormone na HcG ay hindi pa gaanong tumaas ang level. Magpatingin sa OB-GYNE para mapayuhan sa susunod na mga hakbang. Malamang, papaulitin ang pregnancy test makalipas ang 1-2 na linggo.