Paano maagapan ang Hepatitis B?

Q: paano maagapan ang Hepatitis B?

A: Ang tanging epektibong paraan upang maka-iwas sa Hepatitis B ay ang pagpapa-bakuna ng Hepatitis B vaccine, at pag-iwas sa mga high-risk behaviors gaya ng pakikipag-sex sa kung kani-kanino.

Ngayon, kung ikaw ay may Hepatitis B na at nais mong masupil ito, mas magandang magpatingin sa doktor upang ikaw ay magabayan ng maayos. Iba’t iba kasi ang klasipikasyon ng Hepatitis B — may ‘acute’ o pangsandalian o ‘chronic’ o pangmatagalan. Ang acute Hepatits B ay kusang nawawala; ang chronic ay hindi, at ito ang karaniwang lumalabas sa mga laboratory tests at humahadlang sa mga taong naghahanap ng trabaho.

Sa anumang sakit, mahalaga na palakasin ang resistensya ng katawan. Kumain ng malusog at iwasan ang yosi at alak, na siyang nakakasira sa atay na siya ring inaapektuhan ng Hepatitis B. Kumain ng malulusog na pagkain lalo na ang maraming gulay, iwasan ang hindi namang kailangang pag-inom ng mga gamot sa kirot at iba pa, at mag-ehersisyo ng regular.