Ang pagbabawas ng calories sa mga kinakain ang pangunahing hakbang upang mabawasan ang sobrang timbang. Ang sobrang timbang na kadalasan ay ‘di kanais-nais sapagkat bukod sa hindi magandang hubog ng katawan, madalas din itong pagmulan ng mga karamdaman. Ang mga taba sa katawan ay galing kasi sa mga calories na kinain na hindi nagamit ng katawan bilang enerhiya, at sa halip ay naiimbak na lamang sa katawan.
Alamin ang bilang ng calories sa mga karaniwang pagkain: Bilang ng calorie sa mga karaniwang pagkain.
Upang mabawasan ang dami ng calories na pinapasok sa katawan sa araw-araw, maaaring sundin ang mga sumusunod na tips:
1. Kumain ng Gulay.
Isa sa mga pinakamadaling paraan upang mabawasan ang dami ng calories na pumapasok sa katawan ay ang pagkain ng mas maraming gulay. Ito’y sapagkat mas mababa ang lebel ng calories sa mga gulay kung ikukumpara sa mga prutas, karne, at iba pang pagkain na matatamis.
2. Kumain ng purong karne.
Ang purong karne o lean meat ng baka, baboy o manok ay may mas mababang lebel ng calories ngunit may mataas na lebel naman ng protina. Ito ang mas kailangan ng katawan lalo na kung sobra na ang timbang.
3. Kalahatiin ang dami ng kinakain.
Ang dating dami ng kinakain ay gawing kalahiti na lamang. Mabilis nitong mababawasan ang dami ng calories na pumapasok sa katawan araw-araw.
4. Bawasan ang dami ng kinakain ngunit gawing itong madalas.
Bagaman gagawing kalahati na lamang ang dami ng pagkain sa araw-araw, tiyakin na tuloy-tuloy pa rin ang pagkain lalo na kung nakakaramdam ng gutom.
5. Huwag magpapalipas ng kain.
Ang pagpapalipas ng kain ay maaring humantong lang sa pagkain ng mas marami pang pagkain. At dahil dito, mas marami pang calories ang makapapasok sa katawan.
6. Gumamit ng mas maliit na pinggan o plato.
Malaking bagay ang paggamit ng mas maliit na pinggan, o anumang kainan, sa tuwang kakain. Matutulungan nito na maiwasan ang pagsoobra ng pagkain.
7. Huwag magpapakabusog nang husto.
Madalas ay kumakain ng husto at hindi tumitigil hangga’t hindi pa nakakaramdam ng sobrang pagkabusog. Ito ay dapat iwasan sapagkat ito’y hahantong lang sobrang calories sa katawan.
8. Uminom ng maraming tubig.
Makatutulong din ang pag-inom ng mas maraming tubig upang mas mabilis na mabusog at makaiwas sa karagdagang pagkain. Ang pag-inom din nito at pag-iwas sa iba pang inumin na may mataas na lebel ng calories gaya ng mga soda at alak. Basahin ang importansya ng tubig sa katawan: Kahalagahan ng pag-inom ng tubig.