Ang pasa ay ang maitim na marka sa balat. Ito ay nabubuo kapag ang dugo mula sa mga ugat na daluyan ay tumagas patungo sa mga tissue sa ilalim ng balat. Kadalasan, ito ay nagaganap kapag tumama nang malakas ang isang matigas na bagay sa bahagi ng katawan. Bukod pa rito, ang pagpapasa ay maaaring dulot din ng pagkakaroon ng marupok na ugat ng dugo, epekto ng iniinom na gamot, o kaya naman malalang karamdaman sa dugo.
Bagaman kusa namang nawawala ang pasa sa paglipas ng panahon, may ilang mga hakbang na maaaring gawin para mapabilis pa ang pagkawala ng pasa.
Image Source: www.medicalnewstoday.com
1. Lagyan ng yelo.
Pinakamainam na panglunas sa pasa ay ang paglalagay ng yelo sa bahaging may pasa. Gawin ito sa lalong madaling panahon nang maiwasan ang pamamaga at paglaki ng namumuong pasa. Makatutulong din ito sa mas mabilis na paghilom ng apektadong bahagi.
Paano ito gawin? Gumami ng ice pack sa paglalagay ng yelo sa apektadong lugar. Kung walang ice pack, ilagay ang yelo sa malinis na tuwalya at saka ipahid sa apektadong bahagi ng katawan. Iwasang ilagay nang direkta ang yelo sa balat. Gawin ito sa loob ng 15 minuto, at ulitin pa kada oras.
2. Iangat ang bahaging may pasa.
Upang maiwasan ang paglaki ng pasa, mabuting iangat ang apektadong bahagi na mas mataas kung nasaan man ang puso. Ito ay upang maiwasan ang patuloy na pag-agos ng dugo sa bahaging may nasirang ugat sa tulong ng gravity.
3. Tamang pahinga.
Mabuting iwasang ikilos nang madalas ang bahaging may pasa nang hindi na lumala pa ang kondisyon na nararanasan. Ipahinga ang bahaging may pasa upang matulungan ding gumaling nang mas mabilis.
4. Masahihin ang paligid ng pasa
Unti-untiing masahihin ang bahaging may pasa upang matulungan din ang mas mabilis na pagkawala ng pasa. Ngunit tandaan na bago masahihin ang pasa, hindi dapat nakakaramdam ng pananakit bahaging ito. Kung nanankit, huwag muna galawin ang pasa.
5. Pahiran ng mga natural na gamot
May ilang mga natural na remedyo na sinasabing mabisang pampawala ng pasa kung ito ay ipapahid sa apektadong lugar. Subukang gamitin din ang mga ito nang mapabilis ang pagkawala ng pasa.
- Suka. Ihalo ang suka sa maligamgam na tubig bago ipahid sa bahaging may pasa.
- Parsley. Ang dinikdik na dahon ng parsely ay sinasabing mabisa rin kung ipapahid sa apektadong bahagi ng katawan.
- Repolyo. Ang tinadtad na repolyo ay dapat ding ipantapal sa bahaging may pasa.
6. Kumain ng pinya.
Taglay ng pinya ang substansyang bromelain na pinaniniwalaang mabisang makapagpapabilis ng pagkawala ng pinya. Inaalis nito ang mga naipong likido, gaya ng dugo, sa pagitan ng mga tissue ng katawan.