Paano maka-iwas sa pulmonya o pneumonia?

Palakasin ang resistensya ng katawan

Kung malakas ang iyong immune system, hindi ka madaling tatamaan ng mga sakit gaya ng pneumonia. Ito’y maaaring magawa sa pamamagitan ng pagkain ng masustansya at pag-eehersisyo ng regular.

Maghugas ng kamay at maging malinis sa katawan at kapaligiran

Maraming mga virus at bacteria ang pwedeng masagap sa kamay kaya ang paghuhugas ng kamay bago kumain ay isa ring mabisang paraan para makaiwas sa pulmonya.

Magpabakuna laban sa pulmonya

Ang bakuna laban sa trangkaso (flu vaccine) ay rekomendado taon-taon upang makaiwas sa trangkaso na maaaring maging pulmonya. Ang pneumococcal vaccine ay isang bakuna na nakakatulong na maka-iwas sa pulmonya. Ito’y rekomendado sa mga bata, sa mga senior citizen, at sa mga matatanda depende sa rekomendasyon ng inyong doktor.

Iwasan ang paninigarilyo

Mas madaling tamaan ng pulmonya at iba pang mga sakit sa baga ang mga naninigarilyo kaya kapag ito ay tinigilan mo, malaking tulong ito para makaiwas sa pulmonya.