Sa pangkasalukuyan, wala pang klarong ebidensya na may anumang kaparaanan upang maiwasan ang pagkakaroon ng Alzheimer’s Disease.
Gayun pa man, may mga na-oobserbahang kaugnayan ang hindi-pagkakaroon ng Alzheimer’s Disease at iba’t ibang bagay gaya ng pagkakaroon ng mababang antas ng kolesterol sa dugo, at pagpapanatiling aktibo ng isip sa pamamagitan ng pagbabasa, pag-aaral, at iba pa. Hihintayin natin ang mas masuring mga pag-aaral upang mapatunayan ang mga kaugnayang ito.
May mga pag-aaral ring nagsasabi na ang paninigarilyo ay isang “risk factor” o dagdag puntos sa posibilidad na magkaroon ng Alzheimer’s Disease, kaya maaaring ang pag-iwas sa paninigarilyo ay makatulong rin sa pag-iwas sa Alzheimer’s.