Paano makaiwas sa amoebiasis?

Malaki ang maitutulong ng pagiging malinis sa katawan at pagiging maingat sa mga pagkain at inumin na kakainin sa pag-iwas sa pagkakaroon ng amoebiasis. Ang ilan sa mga hakbang na maaaring sundin ay ang sumusunod:

  • Ugaliin ang paghuhugas ng kamay bago kumainat pagkatapos gumamit ng palikuran.
  • Umiwas sa pag-inom ng tubig-gripo na hindi napakuluan at nasala
  • Maging maingat din sa pag-inom ng tubig sa mga ilog o sapa kung sakaling magka-camping sa kagubatan. Salain ito o pakuluan ng isang minuto.
  • Huwag din basta-basta uminom ng gatas na hindi napakuluan
  • Umiwas sa pagkain ng mga pagkain na nabibili sa lansangan (street food)