Paano makaiwas sa balakubak o dandruff?

Upang maka-iwas sa balakubak o dandruff, narito ang ilang mga alituntunin:

1. Maging regular ang pag-aalaga sa buhok. Maligo ng araw-araw at mag-shampoo kada araw o kada dalawang araw. Siguraduhin ring malinis ang tubig na pinapampaligo.

2. Huwag pabago-bago ng mga produkto, at huwag din pagsamahin ang mga ito. Tulad ng ating nabanggit, ang mga kemikal na nasa mga shampoo, gel, spray, wax, etc. ay maaaring maka-irita sa balat sa atip (scalp) at maging mitsa sa pagkakaroon ng balakubak.

3. Huwag kamutin ang scalp. Minsan, nagkakaroon din ng mga tigyawat o acne sa balat sa atip, o di kaya nakakagat ng lamok, at iba pa. Iwasang kamutin para hindi magkaron ng balakubak.