Sa ngayon, walang tiyak na paraan kung paano makakaiwas sa pagkakaroon ng sakit na ito, ngunit may mga pagaaral na nagsasabing higit na mas mababa ang tsansa ng pagkakaroon ng colon kanser sa mga taong may masiglang pamumuhay.
- Kumain ng masusustansyang pagkain. Ang pagkain ng mga prutas, gulay at binhi na mayaman sa bitamina, mineral, fiber at antioxidants ay makakatulong ng malaki sa hindi pagkakaroon ng kanser sa bituka. Iwasan din ang sobrang pagkain ng matataba sapagkat isa ito sa itinuturong sanhi ng pagkakaroon ng kanser sa bituka.
- Umiwas sa alak at sigarilyo. Mas mainam na makaiwas nga alak at sigarilyo sapagkat makatutulong ito na lumiit ang posibilidad ng pagkakaroon ng sakit na kanser.
- Regular na pageehersisyo. Mayroon ding pagaaral na ang mga taong madalas nageehersisyo ay kadalasang hindi nagkakaron ng colon cancer.
- Pagpapanatili ng tamang timbang. Naidirikit din ang pagkakasakit ng kanser sa bituka sa mga taong sobra sa timbang o obese. Kayat mainam na panatilihin lamang sa tamang timbang ang katawan.
Makatutulong din ang regular na pagpapatingin sa doktor upang maagapan at matukoy kung mayroong kanser sa bituka sa unang antas pa laman. Maaring sumailalim sa pisikal na eksaminasyon at screening kada 5 taon kung ang edad ay nasa 50 pataas.