Paano makaiwas sa diphtheria?

Ang pinakamainam na paraan ng pag-iwas sa sakit na diphtheria ay ang pagkakaroon ng bagong bakuna para sa sakit. Ang bakuna para sa diptheria ay kadalsang binibigay kasabay ng ibang bakuna para sa tetanus at pertussis. Tinatawag na DPT vaccine ang bakunang ito na karaniwang binibigay sa mga sanggol ng 3 beses, mula 6 weeks, 10 weeks, at 14 weeks. Maaari lamang makaranas ng ilang side effects sa pagpapabakuna ng DPT gaya ng katamtamang lagnat, panghihina at pagkaantok.

Pagkatapos ng inisyal na bakuna sa sanggol, inirerekomenda rin na mabigyan ang mga indibidwal ng booster shot ng bakuna laban sa diphtheria. Ito ay maaaring ibigay sa edad na 12 na taon, at ang mga susunod na turok ay pagkatapos ng 10 taon. Ang pangangailan sa bakunang ito ay humihigit kung magtutungo sa mga lugar na napapabalitang may kaso ng diphtheria.