Ang Hepatitis B vaccine ang pinakamabisang paraan para makaiwas sa Hepatitis B. Ito’y itinuturok sa mga sanggol ng tatlong beses: pagka-panganak, makaraan ang 6 na lingo, at makaraan ang 6 na buwan. Sa paglaki ng bata maaaring kailanganin rin ng booster shot para madagdagan ang resistensya. Ang mga matatanda ay maaaring bigyan din ng Hepatitis B vaccine. Para sa mga gustong malaman kung kailangan ba niya ng Hepatitis B vaccine, maaaring magpakuha ng HbsAg at Anti-HbS – dalawa sa mga bahagi ng Hepatitis profile – para malaman kung may sapat na bakuna ba sa katawan, o kailangan itong dagdagan ng booster shot o panibagong Hepatitis B vaccine.
Ang pag-iwas sa mga high-risk behavior gaya ng pakikipagtalik sa kapwa lalaki, pagkakaroon ng higit sa isang kapareha, at paggamit ng bawal na gamot ay makatutulong rin sa pag-iwas sa pagkakaroon ng Hepatitis B. Tiyakin ding malinis at bago ang mga kagamitan sa pagpapabutas para sa hikaw at pagpapatatoo.