Kailangang maging mapili sa pagkain at iwasan ang mga maaring magsanhi ng pagkakaroon ng impatso. Kinakailangan ding sanayin ang sarili na maging mas maagap sa pagkain. Narito ang ilang hakbang na makatutulong na makaiwas sa impatso:
- Kumain lamang ng sapat, upang hindi mapagod ng husto ang tiyan sa pagtunaw ng pagkain.
- Kumain ng dahan-dahan
- Iwasan muna ang pagkain ng mga pagkaing mataas ang acid content, gaya ng citrus fruits at suka.
- Bawasan ang paginom ng inuming may caffeine
- Iwasang ma-stess
- Tumigil sa paninigarilyo at pag-inom ng alak
- Iwasan ang matinding pag-eehersisyo pagkatapos kumain. Gawin ito bago kumain.
- Huwag humiga pagkatapos kumain
- Maghintay ng 3 oras bago sundan ang pagkain.