Paano makaiwas sa katarata o cataract?

Narito ang mga hakbang na maaaring makatulong na makaiwas sa katarata at magpaganda ng kalusugan ng iyong mga mata:

Iwasan ang pag-inom ng alak at paninigarilyo

May mga pag-aaral na nagsasabi na maaaring makadagdag ng posibilidad ng pagkakaron ng katarata ang pag-inom ng alak at paninigarilyo

Ingatan ang mata sa sikat ng araw at iba pang maliliwanag na bagay

Ugaliing magsuot ng sunglasses na may proteksyon sa mga ultraviolet light (UV light) lalo na kung ang iyong trabaho o kabuhayan ang nangangailangan na magbabad sa araw. Gayun din naman, kung sa trabaho mo ay nakakaharap mo ang mga maliliwanag na bagay gaya ng welding machine, siguraduhing nakasuot ng wastong personal protective equipment (PPE) o proteksyon gaya ng goggles at iba pang espesyal na kagamitan.

Ugaliing kumain ng mga prutas at kulay

Ang pagkain ng prutas at gulay ay bahagi ng isang buhay na masigla, at nakakatulong din ito sa panatilihing malusog ang mga mata sa pamamagitan ng mga vitamins at minerals na kanilang handog sa ating katawan. Halimbawa, ang carrots at calabasa ay mga gulay na mataas sa beta-carotene, isang bitamina na nakakabuti sa mga mata.