Paano makaiwas sa ketong?

Bago ang lahat, dapat ay maalis sa isip ng lahat ang pagkakadikit ng sakit na ketong sa salitang sumpa. Dapat tandaan na ang sakit na ito ay nagagamot at hindi naman madaling makahawa kung kaya’t hindi na kinakailangang ilayo pa sa lipunan ang mga taong ketongin. Sa oras na sila ay nagsimula nang sumailalim sa gamutan, ang sakit ay hindi na nakakahawa.

Narito naman ang ilan sa mga hakbang para makaiwas sa pagkalat ng sakit na ketong:

  • Umiwas na matalsikan ng maliliit na patak mula sa bibig o ilong ng taong may ketong na hindi naggagamot ng sakit.
  • Ipagamot ang miyembro ng pamilya na apektado ng sakit na ketong
  • Maging handa kung bibisita sa mga lugar na napapabalitang may kaso ng ketong