Dahil ang sanhi ng pagkakaroon ng kulugo ay impekson ng virus, ang susi para maiwasan ito ay ang pagpapanatiling malinis sa katawan. Narito ang ilang hakbang na dapat tandaan upang makaiwas sa nakakainis na kulugo:
- Ugaliin maghugas ng kamay lalo na kung galing sa labas o sa pakikisalamuha sa mga tao.
- Iwasan ang paggamit ng mga bagay na nagamit na ng ibang tao gaya ng tuwalya.
- Magsuot ng tsinelas lalo na kung nasa pampublikong lugar gaya ng palikuran o liguan.
- Panatilihing malinis ang bahay at gumamit ng mga disinfectant sa pagpupunas
- Hanggat maaari, iwasang masugatan o mahiwa ang balat
Kung nakakaranas naman ng madalas na pagkakaroon ng kulugo, siguraduhin munang matanggal ang lahat ng kulugong nasa balat. Tandaan na ang bawat kulugo ay may kakayahang dumami, kung kaya’t makakatulong na makaiwas sa pabalik-balik na kulugo kung makakasigurong mauubos ang lahat ng kulugo sa balat.