Paano makaiwas sa mabahong hininga?

Ang regular na pagsisipilyo, regular na pagpapatingin sa dentist, at pag-gamit ng dental floss ay bahagi ng oral hygiene o kalinisan ng bibig at lahat ng ito’y nakakatulong para maiwasan ang pagkakaroon ng bad breath. Kaya panatilihing malinis ang bibig. Iwasan din ang paninigarilyo at mga matatapang na pagkain. Kung mayroong karamdaman sa bibig, bigyan din ito agad ng lunas. Bigyang halaga ay iyong hininga!